Michelle Trachtenberg found dead at her home in Manhattan.

michelle trachtenberg dies
Hollywood actress Michelle Trachtenberg passes away on the morning of February 26, 2025. She was 39.



PHOTO/S: CW / Instagram

Pumanaw na ang Hollywood actress na si Michelle Trachtenberg — na nakilala sa kanyang roles sa mga hit TV series na Buffy The Vampire Slayer at Gossip Girl — nitong Miyerkules, February 26, 2025.

Siya ay 39.

Ayon sa ulat ng New York Post, natagpuan ng kanyang ina si Michelle na unconscious at unresponsive sa Manhattan apartment ng aktres.

Kamakailan lamang ay sumailalim si Michelle sa liver transplant.

Hindi pa tinutukoy ng New York City police department ang sanhi ng kamatayan ng aktres, ngunit wala silang nakikitang foul play.

Kinumpirma ng publicist ni Michelle ang pagpanaw ng aktres.

Pahayag ng publicist na si Gary Mantoosh: “It is with great sadness to confirm that Michelle Trachtenberg has passed away.

“The family requests privacy for their loss. There are no further details at this time.”

MICHELLE TRACHTENBERG’S FILM AND TV CAREER

Nagsimula ang acting career ni Michelle sa murang edad.

Tatlong taong gulang lamang siya nang magsimula siyang lumabas sa commercials hanggang sa mapasama siya sa Nickelodeon series na The Adventures of Pete & Pete, na umere noong mid-’90s.

Sa edad na 10, nakuha niya ang kanyang first starring role sa pelikula, ang Harriet the Spy (1996), kung saan nakasama niya si Rosie O’Donnell.

michelle trachtenberg harriet the spy
Michelle Trachtenberg in Harriet The Spy

Ngunit ang itinuturing na breakthrough role ni Michelle ay nang gumanap siyang younger sister ni Sarah Michelle Gellar sa hit WB series na Buffy The Vampire Slayer.

Unang lumabas ang karakter ni Michelle sa Buffy The Vampire Slayer noong Season 5 (2001), at nanatili siya sa serye hanggang magwakas ito noong 2003.

buffy the vampire slayer
Sarah Michelle Gellar (left) and Michelle Trachtenberg in Buffy The Vampire Slayer

Lalong sumikat si Michelle dahil sa paglabas niya sa isa pang teen drama, ang Gossip Girl, na umere sa CW mula 2007 hanggang 2012.

gossip girl
Leighton Meester (left) and Michelle Trachtenberg in Gossip Girl

Ang iba pa niyang pelikula ay ang Eurotrip (2004), Ice Princess (2005), at 17 Again (2009).

Lumabas din siya sa mga episode ng mga TV series gaya ng Law & Order, All My Children, Six Fet Under, at Weeds.