Alden Richards sa real score nila ni Kathryn Bernardo: “What you see is what you get.”
Sinagot ni Kapuso actor Alden Richards ang naging palaisipan sa netizens kung ano ang real score sa kanila ni Kapamilya actress Kathryn Bernardo.
Naging trending topic kasi ang dalawa nitong mga nakaraang araw dahil sa doblenng pagdalo ng aktor sa birthday party ni Kathryn; una sa Palawan at pangalawa sa inorganisang surprise birthday party na in-organize ng glam team at malalapit na kaibigan ng dalaga. Bukod pa doon, nakitaan ng sweetness ang dalawa sa ikalawang celebration.
Dahil dito, hindi maiwasang mapaisip ang kanilang mga fans kung ano ba ang totoong namamagitan sa kanila.
Kaya naman ito ang itinanong ni GMA reporter Nelson Canlas sa aktor sa interview na ipinalabas kagabi, April 10, sa 24 Oras.
Ayon kay Alden, hindi naman daw kasi nawala ang pagiging close nila mula nang magtambal sila sa blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye noong 2019.
Ito nga raw ang dahilan kaya s’ya naimbitahan sa birthday celebrations ng aktres na kanya namang pinaunlakan.
“I was invited and s’yempre, it was part of her post-birthday celebration with friends and family. Masaya naman. Masaya naman ’yong naging experience and you can see how happy Kath is right now,” lahad ni Alden.
Pag dating naman sa estado ng closeness nila ni Kath, tumanggi nang magdetalye pa ang aktor dahil ayaw umano n’yang ipangalandakan pa ang bagay na ito sa publiko.
“Hindi lang din talaga kailangan lagi ipamalita sa social media ‘yong mga ganyan. You know, sometimes ‘yong mga personal things that’s happening, better be personal na lang,” sabi ni Alden.
However, ibinisto ni Nelson ang umano’y ibinulong sa kanya ng Asia’s Multimedia Star: “‘What you see is what you get.’”
Pero matatandang naging vocal noon ang aktor na game s’yang makatambal muli si Kathryn kung magkakaroon ng sequel ang Hello, Love, Goodbye.
“Ako po, of course. Hello, Love, Goodbye naman po made history and ’yon naman rin po ang gusto ng mga nakapanood, na magkaroon ng part 2,” sabi n’ya sa isang interview noong December 2023.
“Sabi ko, ‘Direk Cathy [Garcia-Sampana], kapag gumawa kayo ng part 2 ikaka-cancel ko muna lahat ng schedule ko,’” dagdag pa n’ya.
Pero ipinauubaya umano n’ya ang desisyon na ito sa Star Cinema na s’yang producer ng pelikula.
“But then again, that’s really up to Star Cinema kasi sila naman ‘yong producer and they own the rights [to] the movie,” paliwanag ng aktor.
Sa ngayon, busy si Alden sa ginagawa n’yang period drama series na Pulang Araw kung saan makakasama niya sina Sanya Lopez, David Licauco, Barbie Forteza, at Dennis Trillo.
News
Coleen Garcia UMAMIN NA sa Totoong Nangyari kay Billy Crawford kaya PAYAT na PAYAT (t)
Kamakailan lamang, nagbigay ng isang matapat at emosyonal na pahayag si Coleen Garcia tungkol sa kalagayan ng kanyang asawa, si Billy Crawford, at kung bakit siya ay labis na pumayat. Sa isang interview, inamin ni Coleen ang mga pinagdadaanan ni…
SHOCKING: SOFIA Andres released EVIDENCE of the WOMEN who had been with DANIEL PADILLA, you will be shocked to know this…
This shocking news has stirred up the entire online community when Sofia Andres, a famous Filipino actress, suddenly released evidence that made everyone question Daniel Padilla’s past relationships with women. This evidence has made fans, especially those who love…
HOT NEWS: Kathryn Bernardo is aiming for a big project. Isang nakakagulat na sikreto ang malapit nang mabubunyag… (t)
Kathryn Bernardo is Working on a Big Project. What Could It Be? With Kathryn Bernardo playing iconic roles in the past, it’s only bound that one of them makes a comeback. The long-running career of Kathryn Bernardo has allowed her…
SHOCK: Alora Sasam CONFIRMS THE TRUTH ABOUT THE DIVORCE OF Kathryn Bernardo and Daniel Padilla! (t)
In a shocking development for fans, Alora Sasam has confirmed that the relationship between Kathryn Bernardo and Daniel Padilla has officially ended. The news has caused mixed reactions in the media and the fan community, known as “KathNiel”. According…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu (t)
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa isang panayam kay Paulo Avelino para sa pagpopromote niya ng kanyang panibagong pelikula ay naitanong sa kanya ng mga host…
SHOCKING: Kathryn Bernardo’s mother has released a mysterious message that has left Kathryn’s fans in shock. (t)
Ina Ni Kathryn Bernardo, Naglabas Ng Mensahe Pinaasa Ang KathNiel Fans Nagbigay ng pahayag ang ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo para sa kanyang anak at para sa lahat ng mga tagahanga ng kanyang anak at para sa…
End of content
No more pages to load