Ice Seguerra at Liza Diño, nakahanap na ng sperm donor
GORGY RULA: Pagkatapos ma-harvest ang eggs ni Ice Seguerra, ibinalita na rin ni FDCP Chairperson Liza Diño sa kanyang Instagram account na nakahanap na rin sila ng sperm donor.
IMAGE @lizadino on Instagram
Thankful si Liza dahil successful ang pagkuha nila ng eggs ni Ice at first step pa lang ito sa mahabang proseso para magkaroon sila ng baby.
Ibinahagi niya sa PEP Troika na may nakita na silang sperm donor sa isang cryobank sa Amerika.
“It’s a cryobank in California,” pakli ni Liza nang tinanong ko kung saan sila nakakuha ng sperm.
“Para siyang sperm bank pero puwede kang mamili ng sperm donor, ‘tapos may profile yun, parang ganun… may pictures, makikita mo yung parang history.
“Eto, kami ni Ice nakahanap na nga kami ng donor na magpi-fertilize ng egg niya.
“Mabuti na lang, makakapamili ka kung sino ang gusto mo,” saad niya nang nakausap ng PEP Troika sa telepono ngayong Linggo, Enero 27.
Ayaw lang niyang sabihin kung sino yung sperm donor, pero talagang inalam daw nila ang history ng tao, at kailangan matangkad daw ito at blue-eyed.
“Dapat meron yung donor na wala si Ice, kasi maliit siya,” natatawang pahayag ni Liza.
“’Tapos, parang i-implant sa akin itong fertilized embryo na kumbaga…siyempre, bawat stage nito, parang ano siya, e…
“Kaya nga sabi ko sa ‘yo, important sa amin yung first stage. Kasi, kahit yun, puwedeng hindi maging successful yun, e.
“Puwede talagang walang mag-grow na baka hindi lumaki ang eggs.
“But the fact na merong nakuha from Ice, is already a big step.
“Sa next step, we will make sure na yung egg ni Ice saka yung sperm na na-fertilize, magiging good match.
“So, kailangan muna yung buo, tapos i-freeze uli yun, and when I’m ready…. siyempre, kasi pina-factor in ko yung 100 Years of Philippine Cinema celebration, so baka December yung plan ko na i-implant,” dagdag na kuwento ng FDCP Chairperson.
Gusto muna niyang tapusin ang lahat na mga pinaghahandaan niya para sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na isasabay na rin sa celebration ng 100 Years of Philippine Cinema sa September 12, saka siya magpahinga para mapaghandaan ang pag-implant sa kanya ng fertilized embryo.
Dapat daw walang stress at konti na lang ang trabaho para maka-focus na siya sa kanyang pagbubuntis.
Dasal lang ni Liza, sana maging successful ang bawat stage nitong mahabang proseso ng pagkakaroon nila ng baby.
NOEL FERRER: Hindi mura ang magpa-freeze ng eggs, ha!
Iba pa ang process ng pagpapa-fertilize nito.
May bayad bawat hakbang at bawat buwan ng pag-store ng frozen egg—and later, embryo!
I know of people who have and are doing this too pero tahimik sila hanggang sa totoong magaganap na.
Kasi, anything can still happen along the way.
Sana maging successful itong kina Aiza at Liza.
Wala bang local actor na gusto nilang hingan ng sperm?
JERRY OLEA: Sakaling na-implant na ang fertilized embryo sa sinapupunan ni Liza, kailangang magsakripisyo siya.
Dapat magbawas siya ng gawain sa FDCP, o i-delegate sa iba ang responsibilidad niya.
Lalo na kapag nagsilang na siya ng baby nila ni Aiza.
News
Carmina Villaroel sa DNA TEST ni Mavy Legaspi kay Aga Muhlach SINIWALAT NA! (VIDEO) (NG)
In an unexpected twist, actress Carmina Villaroel has revealed details about a DNA test conducted between Mavy Legaspi and actor…
LUCY TORRES is crying! SO SHOCKING REVEAL! Richard Gomez’s IDENTITY❤️Lucy Torres Gomez’s 50th Birthday, LET’S SEE WHAT SHE SAID (VIDEO) (NG)
LUCY TORRES is crying! SO SHOCKING REVEAL! Richard Gomez’s IDENTITY❤️Lucy Torres Gomez’s 50th Birthday, LET’S SEE WHAT SHE SAID (VIDEO)/dn…
VIRAL VIDEO: Kris Aquino’s Wealth Exposed: Her Multi-Billion Peso Empire Revealed in a Shocking Viral Video, Leaving the Public in Awe. (NG)
VIRAL VIDEO: Kris Aquino’s Wealth Exposed: Her Multi-Billion Peso Empire Revealed in a Shocking Viral Video, Leaving the Public in…
BREAKING NEWS: NORA AUNOR’S STUNNING CONFESSION TO TIRSO CRUZ III LEAVES FANS IN SHOCK! (NG)
BREAKING NEWS: NORA AUNOR’S STUNNING CONFESSION TO TIRSO CRUZ III LEAVES FANS IN SHOCK! In a revelation that has left…
KRIS AQUINO’S FAREWELL? SHOCKING HEALTH UPDATE LEAVES FANS HEARTBROKEN! (NG)
KRIS AQUINO’S FAREWELL? SHOCKING HEALTH UPDATE LEAVES FANS HEARTBROKEN! The Queen of All Media, Kris Aquino, has once again become…
Ibinahagi ni Andi Eigenmann ang magulo na muling pagsasama ni Sid Lucero at ng kanyang anak na si Ellie. Napaluha ang mga netizen sa pakikiramay🥹🥹 (NG)
Andi Eigenmann Shares Heartfelt Reunion Between Sid Lucero & Daughter Ellie Andi Eigenmann Shares Emotional Moment Between Sid Lucero &…
End of content
No more pages to load