Sinagot ni Kapuso actor Alden Richards ang naging palaisipan sa netizens kung ano ang real score sa kanila ni Kapamilya actress Kathryn Bernardo.
Naging trending topic kasi ang dalawa nitong mga nakaraang araw dahil sa doblenng pagdalo ng aktor sa birthday party ni Kathryn; una sa Palawan at pangalawa sa inorganisang surprise birthday party na in-organize ng glam team at malalapit na kaibigan ng dalaga. Bukod pa doon, nakitaan ng sweetness ang dalawa sa ikalawang celebration.
Dahil dito, hindi maiwasang mapaisip ang kanilang mga fans kung ano ba ang totoong namamagitan sa kanila.
Kaya naman ito ang itinanong ni GMA reporter Nelson Canlas sa aktor sa interview na ipinalabas kagabi, April 10, sa 24 Oras.
Ayon kay Alden, hindi naman daw kasi nawala ang pagiging close nila mula nang magtambal sila sa blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye noong 2019.
Ito nga raw ang dahilan kaya s’ya naimbitahan sa birthday celebrations ng aktres na kanya namang pinaunlakan.
“I was invited and s’yempre, it was part of her post-birthday celebration with friends and family. Masaya naman. Masaya naman ’yong naging experience and you can see how happy Kath is right now,” lahad ni Alden.
Pag dating naman sa estado ng closeness nila ni Kath, tumanggi nang magdetalye pa ang aktor dahil ayaw umano n’yang ipangalandakan pa ang bagay na ito sa publiko.
“Hindi lang din talaga kailangan lagi ipamalita sa social media ‘yong mga ganyan. You know, sometimes ‘yong mga personal things that’s happening, better be personal na lang,” sabi ni Alden.
However, ibinisto ni Nelson ang umano’y ibinulong sa kanya ng Asia’s Multimedia Star: “‘What you see is what you get.’”
Pero matatandang naging vocal noon ang aktor na game s’yang makatambal muli si Kathryn kung magkakaroon ng sequel ang Hello, Love, Goodbye.
“Ako po, of course. Hello, Love, Goodbye naman po made history and ’yon naman rin po ang gusto ng mga nakapanood, na magkaroon ng part 2,” sabi n’ya sa isang interview noong December 2023.
“Sabi ko, ‘Direk Cathy [Garcia-Sampana], kapag gumawa kayo ng part 2 ikaka-cancel ko muna lahat ng schedule ko,’” dagdag pa n’ya.
Pero ipinauubaya umano n’ya ang desisyon na ito sa Star Cinema na s’yang producer ng pelikula.
“But then again, that’s really up to Star Cinema kasi sila naman ‘yong producer and they own the rights [to] the movie,” paliwanag ng aktor.
Sa ngayon, busy si Alden sa ginagawa n’yang period drama series na Pulang Araw kung saan makakasama niya sina Sanya Lopez, David Licauco, Barbie Forteza, at Dennis Trillo.
News
Breaking News: Natuklasan ni Kathryn Bernardo na niloko siya ni Daniel Padilla mula kay Andrea Brillantes dahil sa dulas ng dila… (TR)
It was Andrea who confessed to Kathryn about cheating with Daniel. Kathryn Bernardo (left) heard it straight from Andrea Brillantes (right), who confessed that she and Daniel Padilla (center) cheated on her, say PEP sources Ang mapatunayang nagkaugnayan sina Daniel Padilla at Andrea…
HOT: Maine Mendoza says Alden Richards still loves her, while accusing Kathryn Bernardo of trying to approach Alden. Fans are shocked…(TR)
Relasyon Ni Alden Richards at Maine Mendoza Hindi Apektado Sa Usapang Panliligaw Kay Kathryn Bernardo Sa gitna ng mainit na usapin patungkol sa umano’y ligawan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, naniniwala naman ang ilang mga AlDub na hindi apektado…
Shocking news: Kathryn Bernardo responded to Daniel Padilla’s post immediately after it went viral… (TR)
Kathryn Bernardo, Sinagot Ang Pasaring Ni Daniel Padilla Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng ilang mga netizens ang social media post ni Daniel Padilla kung saan tila kinumpara niya si Kathryn Bernardo sa isang basura. Sa isang Instagram…
HOT: Kathryn Bernardo responded to Daniel Padilla’s post immediately after it went viral… (TR)
Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng ilang mga netizens ang social media post ni Daniel Padilla kung saan tila kinumpara niya si Kathryn Bernardo sa isang basura. Sa isang Instagram stories ni Daniel Padilla Hindi matanggap ng maraming mga…
SHOCKING: Liza Soberano and Julia Barretto UNFOLLOW Kathryn Bernardo. What Just Happened?! (TR)
Sa isang nakakagulat na galaw sa social media, napansin ng mga netizens na in-unfollow nina Liza Soberano at Julia Barretto ang kapwa artista at sikat na aktres na si Kathryn Bernardo sa Instagram! Ang ganitong aksyon ay agad na nagdulot…
ALDEN RICHARDS REVEALS: What Are His Heart-Wrenching “Painful Goodbyes”? (TR)
– Alden Richards, in an interview with Tito Boy Abunda in “Fast Talk With Boy Abunda” answered some very personal questions – One of the things that he shared was the painful kind of goodbye that he experienced in his…
End of content
No more pages to load