Jellie Aw, Jam Ignacio move on with their separate lives after mauling incident.

Nagparinig ba muli ang club disc jockey na si Jellie Aw sa fiancé niyang si Jam Ignacio?
Sa kanyang Instagram Story nitong nakarang Sabado, March 15, 2025, nag-post si Jellie ng mga salitang “regalo ko” at “nakalaya ako” sa sitwasyong hindi raw niya dapat maranasan.
Mensahe niya, “Regalo ko na sa sarili ko yung nakalaya ako sa sitwasyong hindi ko deserved.”

Ibig kayang sabihin nito ay tinapos na niya ang lahat sa kanila ni Jam na nag-propose sa kanya ng kasal noong November 2024?
Sa isa pa niyang Instagram Story, ni-repost naman ni Jellie ang quote mula sa @female.focused account.
Nakasaad dito: “You’ve got a masters in lying but I’ve got a PhD in detecting bullshit.”

JELLIE AW: “Tuloy ang kaso”
Noong March 11, tiniyak ni Jellie sa kanyang followers sa Instagram na itutuloy niya ang reklamo laban kay Jam.
Ito ay bunsod ng pambubugbog sa kanya ni Jam sa insidenteng nangyari noong February 11, 2025.
Hindi raw basta ganun-ganun na lang yun.
Alam din daw ni Jellie na maraming katulad niyang biktima ng pang-aabuso ang takot magsumbong.
Hindi raw porke’t mahal ang isang tao ay pinapalampas na lamang ang maling nagawa nila.
Buong post niya (published as is): “sa mga nagtatanong YES po tuloy n tuloy ang KASO!
“d pedeng ganon2x nlng! ano sya sinuswerte?
“alm ko mdming sinsaktn jn natatkot lng magsumbong at mahal ksi nila, oo mahal ntin pero sobrang MALI MANAKIT.
“BABAE tyo my krapatan tayo!”
Samantala, sa Instagram Story ni Jam, ipinakita nito ang pagbabalik niya sa pagmu-motor.

Mukhang naka-move on na pareho ang dalawa dahil balik-trabaho na si Jellie at balik naman sa kanyang hobby si Jam sa pagmu-motor.
JELLIE POSTS MESSAGE OF JAM WOOING HER BACK
Noong March 3, nagbahagi si Jellie ng screenshot ng mensahe ni Jam sa kanya.
Hindi malinaw kung kailan ipinadala ang mensaheng ito, pero mukhang sinusuyo muli ni Jam si Jellie.
Nakasaad ditong ginagawa umano ni Jam ang lahat para maging maayos muli ang relasyon nila, pati sa pamilya ni Jellie.
May pangarap din daw si Jam para bubuin sana nilang pamilya.
Pero, parang deadma rito ang club DJ.
News
Erwan Heussaff Regrets Marrying Anne Curtis After the Revelation of Her True Nature! (an)
In an unexpected twist that has sent shockwaves through the Filipino entertainment and social media scenes, entrepreneur and social media…
Mga Mansion at Ibang Properties ni Charice Pempengco, UBOS NA!? (an)
In a shocking revelation that has taken the entertainment world by storm, it has been reported that former international singing…
Arnel Pineda Offers to Step Down as Journey’s Lead Vocalist After Emotional Rock in Rio Performance (an)
In an emotional turn of events, Arnel Pineda, the lead vocalist of the iconic rock band Journey, has offered to…
ANDREA BRILLANTES HINDI KINAYA ANG KISSING SCENE NILA JAKE CUENCA SA BATANG QUIAPO (an)
Andrea Brillantes, Hindi Kinaya ang Kissing Scene Nila ni Jake Cuenca sa Batang Quiapo? Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social…
FINALLY! SARAH GERONIMO BUNTIS NA SA FIRST BABY NILA NI MATTEO (an)
FINALLY! SARAH GERONIMO BUNTIS NA SA FIRST BABY NILA NI MATTEO Isang napaka-exciting na balita ang umabot sa mga tagahanga…
Coco Martin Speaks Out About Julia Montes’ Pregnancy: The Full Story Revealed (an)
In an unexpected and highly anticipated turn of events, actor Coco Martin has finally addressed the rumors surrounding his rumored…
End of content
No more pages to load