Philmar Alipayo puts an end to issue about his 224 tattoo.

Napansin ng netizens na wala na ang “224” tattoo ni Philmar Alipayo sa kanyang kanang braso.
Sa Instagram Story ng kaibigan ni Philmar na si Jared Jahleel Payao kahapon, March 13, 2025, nagbahagi ito ng larawan nila ng surfer na kuha habang nagti-training sila ng boxing.
Sa nasabing larawan, kapansin-pansing wala na sa braso ni Philmar ang tattoo na 224.
Natatakpan na ito ng ibang tattoo.
Ni-repost ni Philmar ang parehong larawan sa kanyang Instagram Story kung saan nilagyan niya ito ng caption na three hands praying emojis.

Ayon sa ilang netizens sa Facebook, noong Pebrero 2025 pa ito pinatanggal ni Philmar, ngunit ngayon lamang nakumpirma dahil sa larawang nagpapakitang wala na ang “224” sa braso ng surfer.
THE ANDI-PHILMAR-PERNILLA TATTOO ISSUE
Naging kontrobersiyal ang pagpapa-tattoo ni Philmar ng “224” dahil sabay at parehong ganito ang tattoo nila ng kanyang matalik na kaibigan na si Pernilla Sjoö, isang Swedish marine photographer.
Ito ang naging ugat ng hidwaan sa pagitan ni Philmar at ng partner na si Andi Eigenmann.
February 7, 2025 nang sumabog sa social media ang isyu sa pagitan nina Andi at Philmar matapos mapansin ng netizens na hindi na sila naka-follow sa isa’t isa.
Dumaan ang magdamag na puro parinigan sina Andi at Philmar sa kanilang IG Stories tungkol sa kung anu-ano.
Hanggang sa nag-post si Andi tungkol sa pagkakaroon ng “love couple’s tattoo” ni Philmar kasama ang ibang babae na, ayon sa aktres, ay hindi ipinaalam sa kanya.
Sa kalakip na screenshot, nakasaad dito ang inquiry ni Andi sa ChatGPT, isang artificial intelligence app.
Ang tanong ni Andi: Kaduda-duda ba kung imbitahan ng isang babaeng kaibigan ang iyong partner na magpalagay ng “love couples tattoo” nang hindi ka kinukonsulta?
Sagot ng ChatGPT, kaduda-duda ang aktong ito “or raise some red flags.”
Sinabi rin ng AI app na “something so personal” ang ginawa ng partner ni Andi at ng kaibigang babae.
Dagdag ng ChatGPT, sa ganitong sitwasyon ay dapat daw pag-usapan ng mag-partner at ng kanilang kaibigan para maunawaan ang perspective kung bakit nila ito ginawa.
Kalaunan ay natukoy na ang kasama ni Philmar na nagpa-tattoo ng “224” ay si Pernilla.
Nakumpirma ito dahil mismong si Pernilla ay ipinost ang larawan nila ni Philmar na nagpapakita ng kanilang matching tattoos ng mga numerong “224,” na kalaunan ay natukoy ang kahulugan — “today, tomorrow, forever.”
Sa paglipas ng mga araw, kumilos sa pribadong paraan si Philmar at naayos niya ang muntikan na nilang paghihiwalay ni Andi.
Pero ang kaibigan niyang si Derek Ramsay ang dumepensa sa kanya.
Nakita raw niya kung gaano nasaktan si Pernilla dahil sa isyung lumabas sa social media, na nag-ugat sa “couple tattoo” nila ni Philmar.
Noong February 21, 2025, ibinahagi ng Island Tattoo Piercing Studio ang 29-second Instagram Reel kung saan makikita sina Andi at Philmar, kasama ang mga anak nilang sina Lilo at Koa, na bumisita sa kanilang shop.
Ipinakita rito ang sabay na pagpapa-tattoo ng dalawa.
Ito na rin ang tumapos sa lahat ng isyu sa pagitan nina Andi at Philmar.
News
Erwan Heussaff Regrets Marrying Anne Curtis After the Revelation of Her True Nature! (an)
In an unexpected twist that has sent shockwaves through the Filipino entertainment and social media scenes, entrepreneur and social media…
Mga Mansion at Ibang Properties ni Charice Pempengco, UBOS NA!? (an)
In a shocking revelation that has taken the entertainment world by storm, it has been reported that former international singing…
Arnel Pineda Offers to Step Down as Journey’s Lead Vocalist After Emotional Rock in Rio Performance (an)
In an emotional turn of events, Arnel Pineda, the lead vocalist of the iconic rock band Journey, has offered to…
ANDREA BRILLANTES HINDI KINAYA ANG KISSING SCENE NILA JAKE CUENCA SA BATANG QUIAPO (an)
Andrea Brillantes, Hindi Kinaya ang Kissing Scene Nila ni Jake Cuenca sa Batang Quiapo? Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social…
FINALLY! SARAH GERONIMO BUNTIS NA SA FIRST BABY NILA NI MATTEO (an)
FINALLY! SARAH GERONIMO BUNTIS NA SA FIRST BABY NILA NI MATTEO Isang napaka-exciting na balita ang umabot sa mga tagahanga…
Coco Martin Speaks Out About Julia Montes’ Pregnancy: The Full Story Revealed (an)
In an unexpected and highly anticipated turn of events, actor Coco Martin has finally addressed the rumors surrounding his rumored…
End of content
No more pages to load