Sa gitna ng mga usap-usapan tungkol sa muling pagbabalik ng tambalang KathNiel, nagbahagi si Alden Richards ng isang makahulugang mensahe sa kanyang Instagram Story noong Pebrero 24, 2025. Ang kanyang post ay nagsasaad ng: “Food for thought: Mind your own business…” Bagama’t walang direktang tinukoy si Alden, maraming netizens ang nag-isip na ito ay tugon sa mga kumakalat na balita na nag-uugnay sa kanya kay Kathryn Bernardo.



Matatandaang noong 2019, nagtambal sina Alden at Kathryn sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye,” na naging highest-grossing Filipino film sa kasaysayan.

Dahil dito, muling nabuhay ang mga haka-haka tungkol sa kanilang relasyon, lalo na matapos ang balitang paghihiwalay nina Kathryn at Daniel Padilla noong Disyembre 2023.

Sa kabila ng mga espekulasyon, nanatiling tahimik si Alden at hindi nagbibigay ng opisyal na pahayag tungkol sa isyu. Ang kanyang makahulugang post ay nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga tagahanga:

“We heard you, Alden. Loud and clear.”

“Huwag ninyo pinupuno Ang Isang Alden Richards.”

“Alden doesn’t need to speak up. Since he wasn’t involved in KathNiel comeback or whatever. But because Kath is getting a backlash. MIND YOUR OWN BUSINESS!”

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula kina Alden Richards at Kathryn Bernardo tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Patuloy na umaasa ang mga tagahanga sa paglilinaw mula sa dalawang panig upang matuldukan ang mga spekulasyon.