Dina Bonnevie on father’s disapproval of Alfie Anido

Inalala ni Dina Bonnevie ang unforgettable pero masalimuot na love story nila ng pumanaw na aktor na si Alfie Anido.
Si Alfie ay ’80s matinee idol na tinukoy ni Dina na kanyang “first love.”
Naging maiksi lamang ang romance nina Dina at Alfie dulot ng maagang pagpanaw ng aktor noong December 30, 1981.
Gayunpaman, sinabi ni Dina na “love at first sight” ang nangyari sa kanila ni Alfie.
Sina Alfie at Dina ay naging magkatambal sa 1980 movies na Temptation Island at Katorse.
DINA AND ALFIE INSTANTLY FELL IN LOVE WITH EACH OTHER
Idinetalye ni Dina kung paano nagsimula ang love story nila ni Alfie, na parang hinugot sa isang pelikula o teleserye.
Hindi kasi boto noon kay Alfie ang ama ni Dina na si Honesto Bonnevie.
Pinahabol pa nga noon ng ama ni Dina si Alfie sa mga aso.
Pagbabalik-tanaw ni Dina, matapos siyang tanghaling first runner-up sa Miss Magnolia noong 1980, nakatakda siyang magkaroon ng pictorial sa isang kilalang print magazine.
“After Miss Magnolia, nag-pictorial kami, Mr. & Ms…” lahad ni Dina sa YouTube vlog ni Snooky Serna noong February 11, 2023.
“Ang dapat kong partner was Lloyd Samartino, but at the time of the pictorial nagka-chickenpox siya.
“So, ang naging partner ko, si Alfie Anido,” kuwento ni Dina ukol sa aktor na noon ay artista na, habang si Dina ay magsisimula pa lamang sa showbiz.
Natulala raw si Dina nang masilayan si Alfie.
“Oh, my God!’ sabi ko, ‘Ang guwapo!’ So yun, na-in love kami kaagad sa isa’t isa. As in it was love at first sight.”
Sundot ni Snooky: “Talaga?”
Dina: “First love. Love at first sight.”
Ayon kay Dina, si Alfie ang gumawa ng paraan para maging artista si Dina dahil istrikto ang ama nito.
DINA AND ALFIE TELESERYE-LIKE LOVE STORY
Ibinahagi rin ni Dina ang mala-pelikulang pangyayari nang minsang dumalaw sa bahay nila si Alfie.
“Alam mo, nakakatawa to,” bungad ni Dina.
“He went to the house. Nagbisita siya. Nagpakilala siya sa dad ko.
“Sabi ng dad, ‘What is your name?’ Sabi niya [Alfie] is, ‘My name is Alfonso David Reynario Serrano Anido.’
“Sabi niya [Dina’s dad], ‘What did you say your middle name was, Serrano? Are you Serrano?’”
Umoo raw si Alfie.
Tinanong daw ng ama ni Dina si Alfie kung ano ang pangalan ng kanyang nanay.
“Sarah,” sagot daw ni Alfie.
Tumayo raw ang ama ni Dina at tinawag ang aktres: “Come here. I wanna talk to you.”
Inusisa raw ni Dina ang ama kung ano ang problema.
Sagot daw ng kanyang ama, “This is the last time I want to see the face of this guy in this house. I don’t like him. Tell him to go away. Tell him, go. Tell him, ‘Go home.’”
Nangatuwiran daw si Dina sa ama na kararating lamang ni Alfie, maayos itong nagpakilala, at naging magalang naman ito.
“It doesn’t matter,” sagot daw ng kanyang ama.
Pagpapatuloy ni Dina, “Pinalabas yung mga aso. Pinahabol niya sa aso.
“Alam mo, ang ending niya [Alfie], sa swimming pool! Tumalon siya sa pool, kung hindi kakagatin siya ng mga doggie.
“Alam mo, kawawa.”
Pagkaalis daw ni Alfie sa bahay ay hinarap ni Dina ang ama at inusisa ito.
Lahad ni Dina, “Nagkataon, yung mommy niya [Alfie] pala, girlfriend ng daddy ko dati.
“Pero pinili ni Tita Sarah yung husband niya ngayon, which is si Captain [Alberto] Anido, he is a pilot.”
BRIEF ROMANCE WITH ALFIE
Samantala, sa episode ng Sarap, Di Ba? noong October 2019, may kaunting detalyeng ibinigay si Dina sa naging relasyon nila ni Alfie.
Noong nagkakasama na sila ni Alfie at hindi pa kilala si Dina, madalas daw silang mapagkamalang magkapatid.
Kuwento ni Dina, “Actually, they would always ask me if I’m the sister of Alfie kasi hindi pa ako kilala non, e.
“Kilala na siya [Alfie].”
Noong gawin nila ang Katorse ay doon nabuo ang kanilang relasyon.
Inusisa si Dina kung gaano katagal ang kanilang naging relasyon.
“Mga sandali lang kasi namatay na siya,” sagot ni Dina.
“Then, naging kami ni Vic [Sotto].”
Sina Dina at Vic ay ikinasal noong December 15, 1982 subalit nauwi rin ito sa hiwalayan.
Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Danica at Oyo.
News
SHOCK: Sunshine Cruz SHOCKINGLY BREAKS FREE from Atong Ang’s CONTROL!! Fans Left Stunned — What Happened Next is UNBELIEVABLE!! /LO
Sunshine Cruz Lumayas Na Sa Poder ni Atong Ang!! OMG!! In a shocking turn of events, actress Sunshine Cruz has…
Angel Locsin’s Father, Angel Colmenares, SHOCKINGLY PASSES AWAY at 98 — Heartbreaking News Revealed! /LO
Angel Locsin Pumanaw na sa Edad na 98 Years Old ang Kanyang Ama na Si Angel Colmenares In a heartbreaking…
Aga Muhlach is the REAL FATHER of Mavy Legaspi, Carmina Villaroel MAKES a REVELATION! /LO
Aga Muhlach ANG TOTOONG AMA ni Mavy Legaspi, Carmina Villaroel MAY REBELASYON! In a surprising and emotional revelation, actress Carmina…
Anak ni Sunshine, BINWELTAHAN si Atong Ang matapos WALDASIN ang Kayamanan at Pera ng Ina! /LO
Anak ni Sunshine, BINWELTAHAN si Atong Ang Matapos Waldasin ang Kayamanan at Pera ng Ina! In a dramatic and highly…
SHOCK: Jellie Aw Shares Jam Ignacio’s Message Trying to Win Her Back, Fans Left “Disgusted” by the Content Inside… /LO
Jellie Aw shares Jam Ignacio’s message trying to woo her back Pin Disc jockey Jellie Aw shared with her fans…
SHOCKING: Angel Locsin’s Father Passes Away at 98: Family and Fans Stunned as the Real Cause is Revealed…! /lo
Angel Locsin Father Passes Away At 98, Family Confirms Angel Colmenares, the father of Angel Locsin, died at age 98….
End of content
No more pages to load