Jak Roberto, nag-react sa kissing scenes ni Barbie Forteza
Isa sa request ng netizens at fans ng celebrity couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza ay ang makita ang reaksyon ng isa’t isa habang pinapanood ang kissing scenes mula sa kani-kanilang naging proyekto.
Matapos makuha ang reaksyon ni Barbie Forteza sa unang vlog na inilabas ni Jak Roberto, naglabas naman ng Part 2 ang couple kung saan si Jak naman ang nag-react sa naging kissing scenes ng kanyang girlfriend.
Magkatabing pinanood ng couple ang mga nakakakilig na eksena ni Barbie kasama ang ilang Kapuso actors.
Una nilang pinanood ang kissing scene ni Barbie at ng Kapuso actor na si Migo Adecer.
Ang eksena ay mula sa GMA Telebabad series Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.
Nag-react dito si Jak at sinabing “I-explain mo tong eksena na ‘to. Ano yan? Ano yan!”
Ayon kay Barbie na gumanap bilang si Ginalyn, nakipag-break si Migo na gumanap bilang si Cocoy sa nobya nito upang maging karelasyon si Ginalyn. Sa gitna ng pagtatalo, doon na naganap ang nasabing kissing scene.
Sumunod naman na pinanod ng celebrity couple ay ang ang kissing scene nina Barbie Forteza at Dennis Trillo sa Daig Kayo Ng Lola Ko.
Hindi pa tapos panoorin ang video, pabirong nag-react si Jak.
“Oh, i-explain mo, nakahubad… Bakit nakahubad?!…Okay! Nanginginig na ko guys.”
Sagot ni Barbie, “Kasi nag-transform kami from werewolves.”
Sunod-sunod na reaksyon pa ni Jak ang napanod ng netizens sa vlog.
Nagbiro pa ang Kapuso actor na hindi na niya tatapusin ang panonood sa kissing scenes ng kanyang girlfriend dahil patindi na nang patindi ang mga eksena.
Ang huli namang pinanood ng celebrity couple ay ang kissing scene nina Barbie at Andre Paras sa That’s My Amboy!
Pabiro pang nagtalo ang couple tungkol sa pagkagusto ni Barbie kay Andre Paras.
“Mayroon ka talagang gusto kay Andre dati diba?” tanong ni Jak kay Barbie.
“Bakit ka nagseselos, e hindi pa naman tayo ‘nun,” sagot naman ni Barbie.
Bago naman matapos ang kanilang vlog, ipinaliwanag ng celebrity couple na para sa trabaho lang raw ang kissing scenes na iyon at walang halong personalan.
Umani naman ng nakakakilig na mga komento mula sa netizens ang vlog na ito na naka-upload sa Youtube Channel ni Jak Roberto.
Tingnan ang kilig photos nina Jak at Barbie sa gallery na ito:
News
WATCH NOW: Anthony Jennings Set to Confront Maris Racal Again: A Fiery Showdown Ahead! /LO
Anthony Jennings Sisibakin Ulit si Maris Racal: MaThon Magbabakbakan Ulit! Mukhang hindi lang pang-millennials at Gen Z ang Incognito! Isang…
SHOCKING REVEAL: Who Will Inherit Barbie Hsu’s Hundreds of Millions of Dollars … /LO
SHOCKING REVEAL: Who Will Inherit Barbie Hsu’s Hundreds of Millions of Dollars … In a shocking and highly anticipated announcement,…
SHOCK: Sunshine Cruz SHOCKINGLY BREAKS FREE from Atong Ang’s CONTROL!! Fans Left Stunned — What Happened Next is UNBELIEVABLE!! /LO
Sunshine Cruz Lumayas Na Sa Poder ni Atong Ang!! OMG!! In a shocking turn of events, actress Sunshine Cruz has…
Angel Locsin’s Father, Angel Colmenares, SHOCKINGLY PASSES AWAY at 98 — Heartbreaking News Revealed! /LO
Angel Locsin Pumanaw na sa Edad na 98 Years Old ang Kanyang Ama na Si Angel Colmenares In a heartbreaking…
Aga Muhlach is the REAL FATHER of Mavy Legaspi, Carmina Villaroel MAKES a REVELATION! /LO
Aga Muhlach ANG TOTOONG AMA ni Mavy Legaspi, Carmina Villaroel MAY REBELASYON! In a surprising and emotional revelation, actress Carmina…
Anak ni Sunshine, BINWELTAHAN si Atong Ang matapos WALDASIN ang Kayamanan at Pera ng Ina! /LO
Anak ni Sunshine, BINWELTAHAN si Atong Ang Matapos Waldasin ang Kayamanan at Pera ng Ina! In a dramatic and highly…
End of content
No more pages to load