Lorna Tolentino itinanggi ‘relasyon’ kay Lito Lapid
Nakakaaliw na chikahin si Lorna Tolentino lalo na kapag tungkol sa love life ang topic.
Siyempre, panay ang ungot namin sa kanya tungkol sa tsismis sa kanila ni Sen. Lito Lapid, na nabuo nga ang love team nilang PriManda (Primo at Amanda) sa ‘Batang Quiapo’.
Biro nga namin kay Lorna, napakaganda ng 2024 sa kanya, na ang ganda ng career niya sa telebisyon, at may pelikula pa siya sa Metro Manila Film Festival, ang ‘Espantaho’ na dinirek ni Chito Rono, at heto nga, may love life pa siya.
“Maka-segue ka naman sa love life. Hahaha!
“Okey na po ako. Maligaya po ako!” sabi niya.
Maligaya ang puso niya?
“Happy po ako sa lahat ng bagay! Happy sa blessing. Happy sa graces na binibigay ni Lord.
“Tapos may dalawang offer pa agad for 2025. Suwerte talaga,” sabi niya.
Pero, ano ba ang sikreto niya at nananatili siyang fresh, mukhang bata, sariwa?
“Maraming salamat sa BeauteDerm, sa lahat ng mga sponsors!” sabi niya.
Pero siyempre, iba pa rin ang nagagawa kapag in love ka, mas bumabata nga raw?
“Ahhhh, ang inuuna ko kasi ay `yung mamahalin ang sarili mo. Kasi kapag mahal mo ang sarili mo, lahat ng magagandang bagay, `yun ang gusto mo. ‘Yun ang importante!” sagot ni Lorna.
Pero, ano ang pakiramdam na may nagmamahal pa rin talaga sa iyo?
“Marami po ang nagmamahal sa akin!” sagot niya.
Oh sige, may nagpapakilig sa iyo?
“Naku, iba ka talaga! Marami po sila. Hahahaha!” sey niya.
Nagpapaligaw pa ba siya?
“Hindi! Hindi! Hindi!”
O baka naman hindi ka na puwedeng magpaligaw, dahil taken ka na?
“Hindi po! Hindi talaga!” tawang-tawa na sagot ni Lorna.
Friends lang kayo ni Sen. Lito Lapid?
“Naku, ang dami kong friends na Senador. Ang dami nila. Ang dami ngang nagmamahal sa akin. Ang daming naging kaibigan ni Daboy (Rudy Fernandez), na up to now, na-extend sa amin,” sey niya.
So, dahil matatapos na raw ang ‘Batang Quiapo’ kaya matatapos na rin ang PriManda?
“Yes, matatapos na ang love team!” sabi niya.
Ay, wala nang off cam friendship?
“Siyempre meron pa rin. Okey lang. Pero ang love team, wala na!” chika niya.
So, tuloy pa rin ang pagdi-date nila kahit tapos ang love team?
“Anong date? Walang ganun! Hahahaha!” natatawang pahayag ni Lorna.
Anyway, kaaliw rin ang chika ni Lorna habang ginagawa ang ‘Espantaho’ dahil may mga moment daw na natutulala siya sa mga mahuhusay niyang kaeksena, tulad nina Judy Ann Santos, Chanda Romero, at marami pang iba.
“Hindi kasi ako masalita. Parang ina-absorb ko lang sila. Minsan parang natutulala ako sa rehearsal. Nakakalimutan ko na ako na pala. Kasi minsan one line lang, eh.
“Kasi parang nanonood ako sa teatro, para akong nanonood ng isang buong pelikula sa loob. Pero pag take naman, kailangan siyempre, ready, dahil kung hindi may magagalit.
“Baka may magsabi sa akin na, ‘uy, uy, ano ginagawa mo, bakit ka nakatulala?’ Hahaha!” sabi na lang ni Lorna.
Siya nga pala, kasama rin sa ‘Espantaho’ sina Janice de Belen, Eugene Domingo, Tommy Abuel, Nico Manalo, Mon Confiado at JC Santos.
Bongga! (Dondon Sermino)
News
Arnel Pineda Reacts to ‘Sentenced to Life Imprisonment’ Rumors — Singer Slams False YouTube Claims /lo
Arnel Pineda Reacts To “Sentenced To Life Imprisonment” Allegation These YouTube videos about Arnel Pineda caught netizens’ attention Filipino singer…
SHOCKING REVELATION: Erwan Heussaff Admits Regret After Discovering Anne Curtis’ True Colors! /lo
In an unexpected twist that has sent shockwaves through the Filipino entertainment and social media scenes, entrepreneur and social media…
Mark Leviste Breaks Silence on Kris Aquino Breakup — Here’s What He Had to Say /lo
Kris Aquino Issue w/ Ex-BF, Mark Leviste Asked To React Mark Leviste was asked about the previous relationship of Kris…
Buboy Villar Denies Serious Accusations Made by Angillyn Gorens — ‘The Truth Will Come Out!’ /lo
📰 Full Article (English): Manila, Philippines –Actor and television personality Buboy Villar is pushing back hard against the serious allegations…
Ashley Ortega Gets Emotional Talking About Her Mother Inside the PBB House — Viewers Left in Tears /lo
Ashley Ortega, Emosyunal Nang Pag-Usapan Ang Ina Sa PBB Bukas na nagbahagi ang Kapuso actress na si Ashley Ortega…
VP Sara Duterte Shares Heartfelt Birthday Message for Her Father, FPRRD — ‘You Are Still My Hero’ /lo
VP Sara Duterte May Nakakaantig Na Birthday Message Para sa Amang Si FPRRD Davao City, Philippines –In a rare but…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply