TRULILI kaya ang kumakalat na chika na ilang araw na umanong nagpupunta si Daniel Padilla sa isang subdivision kung saan nakatira ang ex-girlfriend niyang si Kathryn Bernardo?
May balita kasi na patuloy na gumagawa ng paraan si DJ para magkausap uli sila nang masinsinan ni Kath dahil sa kagustuhan umano nitong magkabalikan sila.
Ayon sa veteran showbiz columnist at radio-online host na si Nanay Cristy Fermin, may nakapagkuwento rin sa kanya ng tungkol sa pagpunta-punta ni Daniel sa bahay nina Kathryn.
“Ilang gabi na raw po nitong nakaraang linggo na nakikita ang sasakyan ni Daniel Padilla na paikot-ikot sa subdivision kung saan nakatira ang mga Bernardo…sina Kathryn,” pambubuking ni Nanay Cristy sa aktor sa nakaraang pisode ng programa niyang “Showbiz Now Na.”
Rebelasyon pa ni Nanay Cristy, “Ang balita pa, humahanap talaga ng tao na makakapagtulay para sa kanila ni Kathryn.
Ngunit sabi ng batikang manunulat at TV host, maaari naman daw idenay, kumpirmahin o dedmahin na lang nina Daniel at Kathryn ang nasabing chika na nakarating sa kanya.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nabalitang patuloy pa ring sinusuyo ni Daniel sa Kathryn matapos ang kanilang breakup.
Kasunod nito ang balitang personal na pinuntahan ng aktor si Kathryn sa dressing room nito sa ginanap na Christmas special ng ABS-CBN last December.
Kumalat pa nga ang isang video clip at mga litrato kung saan makikita ang paghalik ni Daniel sa noo ni Kathryn.
At in fairness, hanggang ngayon, kahit matagal na silang hiwalay ni Kathryn, ay hindi pa rin dini-delete ni Daniel ang mga sweet photos nila together sa Instagram.
News
LUMIPAD na Naman si Rhenz Abando! Debut Game ni DeMarcus Cousins para sa Pinas, Ano ang Aasahan sa Laban? Panoorin!
LUMIPAD na Naman si Rhenz Abando, Debut Game ni DeMarcus Cousins para sa Pinas! Isang exciting na balita ang umabot…
TALINO ni COACH Tim Cone, Problem Solver! | KBL Style ni Carl TAMAYO at KQ Gagamitin! Ano ang Plano para sa Susunod na Laban? Panoorin!
TALINO ni COACH Tim Cone, Problem Solve! | KBL Style ni Carl Tamayo at KQ Gagamitin Ang pagpapakita ng kagalingan…
GILAS, Palag Uli sa NZ? Tall Blacks, Pinag-yabang ang Bagong Line-Up! Ano ang Mangyayari sa Laban? Panoorin!
GILAS Palag Uli sa New Zealand? | Tall Blacks Pinag-yabang ang Bagong Line-Up! Ang balitang ito ay nagbigay ng excitement…
Good News! Millora Brown Update: Nasa FIBA Na ang Dokumento, Gagamitin sa Asia Cup! Bad News, Huli ang Pagsumite. Ano ang Mangyayari? Panoorin!
Good News at Bad News: Millora Brown Update – Nasa FIBA na ang Dokumento, Magagamit sa Asia Cup! Huli ang…
Big REINFORCEMENT: Gilas Trio Big Combo! QAT VS PH, LBN VS PH, PH VS EGY – Ano ang Mga Pagbabago at Pagbuo ng Koponan? Panoorin ang Lahat ng Action!
Big REINFORCEMENT Gilas Trio Big Combo: QAT VS PH, LBN VS PH, PH VS EGY – Adjustment at Build Up…
Alden Richards, Tumigil sa Panliligaw Kay Kathryn Bernardo! Hindi Mo Aakalain ang Dahilan ng Kanyang Pagbabalik-loob! Panoorin para Malaman ang Lahat!
Hanggang ngayon, hindi pa rin natatapos ang mga katanungan tungkol sa panliligaw umano ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo, at…
End of content
No more pages to load