Napanood niyo na ba, mga YesPren, ang kumakalat na video ngayon ni Fyang Smith sa isang interview kasama sina Ogie Alcasid at Martin Nievera? Tila kapansin-pansin daw kasi ang pagkainis ng Concert King kay Fyang nang sabihin nitong hindi niya kilala si Pops Fernandez.



Martin Nievera, nagalit nga ba kay Fyang Smith matapos nitong hindi  makilala si Pops Fernandez?

Kinainisan at naloka naman ang netizens sa naging ganap ni Fyang habang kausap ang dalawang OPM icons. Banat ng iba, parang jejemon at tropa lang daw kung kausapin niya ang mga beterano sa industriya.

advertisement

Chika ng iba, katanggap-tanggap pa raw na hindi niya kilala ang Concert Queen dahil hindi niya ito henerasyon, pero sana ay nagpa-cute at smile na lang siya kaysa i-project ang pinagpipilitan niyang “kanto humor.”

Martin Nievera and Ogie Alcasid I WANT ASAP hosted by Fyang Smith! [FULL  EPISODE] January 26, 2025

Pabiro namang sinabi ni Martin ang mga salitang, “Where did you find this girl?” sabay tawa. Kudos daw ang naging professionalism ng singer kahit pansin na ang inis nito sa bagong artista.

Sa kabilang banda, marami naman ang natuwa na makita si Fyang kasama sina Ogie at Martin. Bonggang paraan daw ito para turuan ang dalaga sa mga pasikot-sikot sa industriya.

Kayo, mga YesPren, ano ang reaksyon niyo sa chismis na ito?