Rufa Mae Quinto addresses marital issue with Trevor Magallanes

Nilinaw ni Rufa Mae Quinto na walang sinuman sa kanila ng kanyang asawang si Trevor Magallanes ang naghain ng diborsyo.
Ito ay sa gitna ng balitang may pinagdadaanan ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
“E, kung ayaw na rin naman niya, bakit ko hindi rerespetuhin yon?
“Pero yung legalities, yung mga file-file ng divorce, walang nag-file,” sabi ni Rufa Mae sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Biyernes, Enero 17, 2025.
Dagdag pa ng comedienne: “So, hindi ako magpa-file kasi ang dami ko nang file…sa kaso.
“Ang daming file so ayoko munang mag-file sa mga divorce-divorce, annulment din.
“Dito rin naman kami kasi ikinasal sa Pinas so… hindi ko na alam ang gagawin.
“Masyadong masakit pa, tapos may anak din kami na nagsabi, ‘When our family will be together?’ daw.
“Sabi ko na lang ano, wala, e, ang hirap sagutin di ba?”
TREVOR AS A FATHER AND A HUSBAND
Ipinakita rin ni Rufa Mae ang mataas na respeto kay Trevor dahil hindi siya nagsalita ng masama laban sa mister niya.
Saad ng aktres: “Bilang asawa, siyempre inaantay ko lang na maging klaro kami. Mag-usap kami, kung totoo ba talaga yan ang nararamdaman niya.
“Kasi lagi nga rin akong wala so baka feeling lambingan na muna. Makiusap, ‘Pasensya na, I’m here.’
“Siyempre pagod ako. Palagi akong wala.
“Siyempre, there’s always two sides of the story, pero naiintindihan ko rin na hindi naman puro ako lang ang tama.
“Siyempre, siya rin naman, may reason din.
“Pero tinatanggap ko na we’re going through something.”

Sa kabila ng problema sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, kinikilala ni Rufa Mae ang kabutihan ni Trevor bilang asawa at ama.
“Mabuti siyang ama, mabuti rin siyang asawa, kaya lang hindi siya artista. Ayaw niyang matsismis, ayaw niya yung pinag-uusapan.
“Tahimik siya, very private kasi. Siyempre nasasaktan siya kapag maraming nagsasabi na dahil sa pera.
“Sabi nga niya, ‘Ang dami-dami kong ibinigay sa yo.’
“E, wala naman akong sinabi. Sabi ko, ‘Kung may nagsasabi nun, ibang tao.’
“Pero kinaklaro ko, hindi kami nagkakagulo dahil sa mga kaperahan kasi magna-nine years na rin kami.
“Kung may problema kami sa pera, e, di nag-aaway kami, pero hindi yon.
“Baka siguro ayaw na niya. Hindi ko alam, e, pero mag-file dapat siya, di ba?”
Nang itanong ni Boy kung may sinasabi siyang masama tungkol kay Trevor, “Never,” ang maagap na reaksiyon ni Rufa Mae.
Sabi pa niya, “Nirerespeto ko siya. Hindi ko rin siya ginagawang laughing stock.
News
Totoong Dahilan Sa Pag-absent Ni Karylle Sa Guesting Nina Dingdong Dantes, Marian Rivera sa It’s Showtime
Hanggang ngayon ay iniintriga parin ang actress-host na si Karylle kung bakit umabsent siya sa It’s Showtime noong nag-guest…
BREAKING NEWS: Julia Barretto SHOCKED by Gerald Anderson’s Birthday Surprise Gift with LOVE from Masbate!
Kapamilya actress Julia Barretto was left speechless after receiving a heartfelt and unexpected birthday surprise from her boyfriend, actor Gerald…
Alden Richards, Nagsalita Tungkol Sa Relasyon Nila Ni Kathryn Bernardo
Nag bigay na ang Asia’s Multimedia Star at Kapuso star na si Alden Richards patungkol sa tunay na estado…
John Arcilla Sinabon Si Carlos Yulo Dahil Sa Pagiging Bastos at Madamot Sa Sariling Magulang!
Nagbigay ng kanyang personal na opinyon ang award-winning actor na si John Arcilla hinggil sa relasyon ng mga magulang…
Daniel Padilla, Inilabas Na Ang Totoong Pagtrato Sa Kanyang Mga Fans Matapos Hiwalayan Ni Kathryn
Hindi nagustuhan ng mga netizens at ilang mga fans ng aktor na si Daniel Padilla ang ginawa nito sa kanyang…
Sarah Lahbati 29th Birthday celebration with Hubby Richard & the kids + flying to Cebu City
Nakakahanga ang pagmamahal na ibinibigay ni Richard Gutierrez kay Sarah Lahbati, lalo na sa pagdiriwang ni Sarah ng ika-29th…
End of content
No more pages to load