Nagbigay na ng pahayag ang babaeng anak ni Ronaldo Valdez na si Melissa Gibbs hinggil sa biglaang pagkawala ng kanyang ama.
Hanggang ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga kapulisan ang totoong sanhi ng pagpanaw ng batikang aktor sa edad na 76. Lumalabas sa initial investigation na maaring ang dahilan ng kanyang pagkamatay ay ang labis na kalungkutan at depression.
Ayon sa mga report tila nakaramdam ng depression ang batikang aktor matapos sumailalim sa operasyon sa kanyang prostate cancer. Tila hindi na umano nakayanan ng aktor ang labis na kalungkutan matapos maoperahan sa kanyang maselang bahagi ng katawan kaya naman binawi na nito ang kanyang sariling buhay.
Ayon sa Quezon City Police, unang natagpuan ang bangkay ni Ronaldo Valdez sa loob ng kanyang tinitirhan katabi ang isang 45 pistol na sinasabing ginamit nito sa pagkitil sa sariling buhay.
Gayunpaman, may panibagong tinitingnan na anggulo ang mga kapulisan dahil sa mga natagpuang panyo na hawak ng beteranong aktor. May posibilidad umano na aksidenteng nabaril nito ang kanyang sarili habang nililinisan ang kanyang baril.
Ayon naman sa driver ng yumaong aktor, natagpuan na lamang niya ang kanyang amo na nakaupo sa harap ng kanyang kama na wala nang buhay.
Matapos pumutok ang balitang pagpanaw ni Ronaldo Valdez, kaagad namang nagtungo sa pinangyarihan nito si Janno Gibbs, isa sa mga anak ng aktor.
Sa ngayon ay masusi ring iniimbistegahan ang mga kasama ni Ronaldo Valdez sa kanyang bahay dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi na nito kasama ang kanyang mga anak na sina Janno Gibbs at Melissa Gibbs sa bahay dahil may kanya-kanya na ring pamilya ang mga ito.
Ayon naman sa naging pahayag ni Melissa Gibbs ay nakausap pa diumano niya ang kanyang ama bago ito nawala. Pinayuhan umano siya nito na maging mabuting tao kasama ng kanyang mga anak na apo nito.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang dalawang anak ni Ronaldo Valdez na sina Janno Gibbs at Melissa Gibbs kung magiging public viewing ba ang magiging burol nito para makapunta naman ang ilang mga tagahanga at ilang mga nakatrabaho noon ng batikang aktor.
News
Kim Chiu Shares Glimpse Of Vice Ganda’s 48th Birthday Party
Kim Chiu Drops Fun Glimpses From Vice Ganda’s 48th Birthday Celebration KIM CHIU – Chinita Princes Kim Chui shared a…
John Estrada May Nakakaantig Na Birthday Message Para Sa Kanyang Anak
Si John Estrada, isang kilalang aktor sa Pilipinas, ay nag-post ng isang magandang mensahe para sa kanyang anak na si…
NAGSALITA NA, Security Agency ng SIKYU na SUMIRA AT SUMIPA sa Sampaguita sa SM MegaMall
SM Megamall Dismisses Security Guard After Viral Video Incident With Young Sampaguita Vendor A security guard at SM Megamall has…
Derek Ramsay calls out Philmar and Andi; defends Pernilla: “And for me, sorry Andi, what was your intent with all of this? Cause right now, I’m believing, Andi, you’re intent was to destroy Pern and hurt her.”
Derek: “I’m believing, Andi, you’re intent was to destroy Pern and hurt her.” Derek Ramsay (left) on friend Pernilla Sjoo’s…
Tessa Prieto sues ex-GF Angel Chua for physical abuse
Makati fiscal says there is basis to say Tessa’s ex-GF caused her physical harm. Makati Prosecutor’s Office issues order recommending…
Jellie Aw’s friends reveal what they know about mauling incident
Jellie Aw’s friend: “Pagdating daw po sa sasakyan, pinagsasapak na siya.” Jellie Aw’s friends reveal what they know about the…
End of content
No more pages to load