Ice Seguerra at Liza Diño, nakahanap na ng sperm donor

GORGY RULA: Pagkatapos ma-harvest ang eggs ni Ice Seguerra, ibinalita na rin ni FDCP Chairperson Liza Diño sa kanyang Instagram account na nakahanap na rin sila ng sperm donor.

Thankful si Liza dahil successful ang pagkuha nila ng eggs ni Ice at first step pa lang ito sa mahabang proseso para magkaroon sila ng baby.
Ibinahagi niya sa PEP Troika na may nakita na silang sperm donor sa isang cryobank sa Amerika.
“It’s a cryobank in California,” pakli ni Liza nang tinanong ko kung saan sila nakakuha ng sperm.
“Para siyang sperm bank pero puwede kang mamili ng sperm donor, ‘tapos may profile yun, parang ganun… may pictures, makikita mo yung parang history.
“Eto, kami ni Ice nakahanap na nga kami ng donor na magpi-fertilize ng egg niya.
“Mabuti na lang, makakapamili ka kung sino ang gusto mo,” saad niya nang nakausap ng PEP Troika sa telepono ngayong Linggo, Enero 27.
Ayaw lang niyang sabihin kung sino yung sperm donor, pero talagang inalam daw nila ang history ng tao, at kailangan matangkad daw ito at blue-eyed.
“Dapat meron yung donor na wala si Ice, kasi maliit siya,” natatawang pahayag ni Liza.
“’Tapos, parang i-implant sa akin itong fertilized embryo na kumbaga…siyempre, bawat stage nito, parang ano siya, e…
“Kaya nga sabi ko sa ‘yo, important sa amin yung first stage. Kasi, kahit yun, puwedeng hindi maging successful yun, e.
“Puwede talagang walang mag-grow na baka hindi lumaki ang eggs.
“But the fact na merong nakuha from Ice, is already a big step.
“Sa next step, we will make sure na yung egg ni Ice saka yung sperm na na-fertilize, magiging good match.
“So, kailangan muna yung buo, tapos i-freeze uli yun, and when I’m ready…. siyempre, kasi pina-factor in ko yung 100 Years of Philippine Cinema celebration, so baka December yung plan ko na i-implant,” dagdag na kuwento ng FDCP Chairperson.
Gusto muna niyang tapusin ang lahat na mga pinaghahandaan niya para sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na isasabay na rin sa celebration ng 100 Years of Philippine Cinema sa September 12, saka siya magpahinga para mapaghandaan ang pag-implant sa kanya ng fertilized embryo.
Dapat daw walang stress at konti na lang ang trabaho para maka-focus na siya sa kanyang pagbubuntis.
Dasal lang ni Liza, sana maging successful ang bawat stage nitong mahabang proseso ng pagkakaroon nila ng baby.
NOEL FERRER: Hindi mura ang magpa-freeze ng eggs, ha!
Iba pa ang process ng pagpapa-fertilize nito.
May bayad bawat hakbang at bawat buwan ng pag-store ng frozen egg—and later, embryo!
I know of people who have and are doing this too pero tahimik sila hanggang sa totoong magaganap na.
Kasi, anything can still happen along the way.
Sana maging successful itong kina Aiza at Liza.
Wala bang local actor na gusto nilang hingan ng sperm?
JERRY OLEA: Sakaling na-implant na ang fertilized embryo sa sinapupunan ni Liza, kailangang magsakripisyo siya.
Dapat magbawas siya ng gawain sa FDCP, o i-delegate sa iba ang responsibilidad niya.
Lalo na kapag nagsilang na siya ng baby nila ni Aiza.
News
KAKAPASOK LANG NA BALITA NAKAKALUNGKOT! KRIS AQUINO LATEST UPDATE
In a deeply emotional update, beloved Filipino actress and television host Kris Aquino has shared news that has left fans…
Alden Richards touched by Daniel Padilla’s effort to reach out to him
Alden Richards recounts Daniel Padilla’s visit. Alden Richards (left) only has good words for Daniel Padilla (right), who went out…
Kathryn Bernardo no regrets on past with Daniel Padilla, ready to love again
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. Image: screengrab from YouTube/GMA Network; Instagram/@supremo_dp Kathryn Bernardo stressed that she doesn’t regret…
Daniel Padilla asked if he got jealous of Alden Richards
Daniel Padilla describes separation with Kathryn Bernardo as “dark times.” Daniel Padilla on Kathryn Bernardo’s teamup with Alden Richards: “”Siyempre,…
OMG!! Totoo Pala! Daniel Padilla Sinugod ni Alden Richards! Gin@has@ si Kathryn Bernardo!
Isang nakakagulat na balita ang lumabas sa entertainment scene nang maganap ang isang insidente sa pagitan nina Daniel Padilla at…
NAG-ASAWA si Kris Aquino ng MAYAMAN NA ASAWA Doktor Mike, magaganap na ang KASAL nang si Kris Aquino ay…
Sumasabog ang online community matapos ang balitang opisyal na ikinasal si **Kris Aquino** kay **Dr.Mike**, na kilala hindi lang sa…
End of content
No more pages to load