Netizen: “Ma, ayusin mo to, nag-ooverthink na kaming lahat dito.”

Is Kaladkaren's relationship with Luke Wrightson on the rocks?
Did Kaladkaren and Luke Wrightson call it quits? Netizens also notice that Kaladkaren has erased their wedding photos on her Instagram account.



PHOTO/S: Kaladkaren on Instagram

Hiwalay na ba sila?

Ito ang katanungang naglalaro sa isipan ng marami tungkol sa mag-asawang Kaladkaren (Jervi Wrightson) at Luke Wrightson.

Noong February 18, 2025, nag-post si Kaladkaren sa TikTok ng video niya na may makahulugang background music.

Sa nasabing video, makikitang tila nag-e-emote si Kaladkaren habang nili-lip sync nito ang cover song ni KristyLee ng kantang “We Can’t Be Friends” ni Ariana Grande.

Ang nakakaintriga rito ay ang verses sa kanta na ginamit ni Kaladkaren na i-lip sync.

Tungkol ito sa biglaang pag-alis ng taong kanyang minamahal.

Narito ang verse ng kanta:

I saw it coming, I still cried. I thought when you left, you’d leave my mind.

No, I don’t want hate you, but you chose your pride.

When I needed a hug, you held the knife. But I still wish we had more time.

It must be crazy, right?

NETIZENS’ REACTION

Sa comments section ng TikTok post ni Kaladkaren ay marami sa netizens, lalo na ang kanyang fans, ang nag-alala sa kasalukyang lagay ng relasyon nila ng British husband niyang si Luke.

Cosmopolitan Philippines, Women of Influence 2024, Kaladkaren
Photo/s: Troy Ang / Cosmopolitan Philippines

Komento ng isang netizen (published as is), “Anong nangyayari sa earth. Content lang naman ito mah no?”

Saad ng isa, “Hiwalay na sila? kakakasal lang nila diba?”

Hirit pa ng isa, “Ma, ayusin mo to, nag-ooverthink na kaming lahat dito.”

May iba ring netizens ang nakapansing binura na raw ni Kaladkaren sa Instagram ang mga litrato nila ni Luke noong sila’y ikinasal.

 

Sabi ng isang netizen (published as is): “checked her IG, wala na ang wedding photos nila ni Luke.

“Naka private din ang account ni Luke. but her IG username is still kaladkaren and her name is still Jervi Wrightson.”

Dagdag pa ng isa, “bakit naman ganito everytime nalang after the wedding. sana pang content lang to.”

Kung bibisitahin nga ngayon ang Instagram account ni Kaladkaren, hindi na makikita ang wedding photos nila ni Luke.

Ngunit naroroon pa rin ang kanilang engagement photos at iba pang larawan na magkasama mula sa kanilang mga nagdaang bakasyon.

KALADKAREN-LUKE’S WEDDING

Nagpakasal sina Kaladkaren at Luke noong September 8, 2024, o makalipas ang halos labindalawang taon nilang relasyon bilang magkasintahan.

Ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib sa ceremonial county na Scarborough, North Yorkshire, sa England, kunsaan residente si Luke.

Kaladkaren and Luke Wrightson marriage
Photo/s: Courtesy: Nice Print Photography / Facebook

Nangyari ang pinakahihinatay na kasal ni Kaladkaren at Luke, makalipas ang apat na taon makaraan nilang ma-engaged.

Dalawang beses niyaya ng kasal ni Luke si Kaladkaren. Una noong 2020.

Inanunsiyo ni Kaladkaren ang engagement nila ni Luke sa pamamagitan ng Instagram noong September 9, 2020.

Pero hindi malinaw kung noong araw na iyon ba talaga ang kanilang engagement.

Mensahe ni Kaladkaren sa caption: “The man of my dreams asked me to marry him… in our own little balcony.

“It’s OFFICIAL! May… Nagkatuluyan! #Engaged #LoveWins #TransLOVEmatters”

Nagkaroon naman ng second proposal si Luke kay Kaladkaren noong July 25, 2024.

Sa Instagram noong araw na iyon, ibinahagi ni Kaladkaren ang mga kuhang litrato ng second proposal sa kanya ng nobyo na nangyari pa mismo sa kalagitnaan ng prenup shoot nila sa London.

Mababasa sa kanyang caption, “Proposal 2.0!!![crying in tears emojis] Heart is full, hand is heavy! [ring emoji] #TheWrightsons

“Luke and I got engaged in the middle of pandemic, 4 years ago. It was just us two locked down in our apartment and we didn’t even have the chance to have a proper photo shoot until now.

“I thought it was just an ordinary prenup shoot! Sobrang gulat ko nang muli siyang nag-propose here in our favorite city at may ring upgrade!!!! Huhuhu.

“Worth the wait! You make me the happiest, my love!”