Jericho Rosales Apologizes to Ex Heart Evangelista

Jericho alludes to “masaya sa kubo” days with ex-girlfriend Heart.
Jericho Rosales and Heart Evangelista
Jericho Rosales tags ex-girlfriend Heart Evangelista and shows old paper dolls from their Panday days (left). Seen on the right is a snapshot taken from their reunion with other “babies” of Johnny Manahan in March 2023. 



PHOTO/S: @jerichorosalesofficial / @iamhearte Instagram

Tuwang-tuwa si Jericho Rosales nang mahalungkat niya sa kung saan ang lumang paper dolls nila ni Heart Evangelista mula sa Panday.

Ang Panday ay Kapamilya prime-time series na umere mula November 2005 hanggang May 2006.

Pinost ni Jericho sa Instagram Stories ang video kunsaan kakuwentuhan niya ang kanyang barber habang tinitingnan ang paper dolls.

“Si Heart nga ‘to. Katawan ba ni Heart yan? Parang dinikit lang,” natatawang bulalas ni Jericho, na ang tinitignan ay ang paper doll kunsaan nakasuot ng crop top at shorts si Heart.

“Sexy ba,” komento ng barbero.

Tugon ni Jericho, “Parang dinikit lang din. Pero at least dati pa nasa fashion na siya. O, di ba?”

Sabay hirit ni Jericho, “Hi, Heart!”

Jericho Rosales and Heart Evangelista

Tawang-tawa pa si Jericho nang makita ang paper doll kunsaan siya naman ay topless, pero nakasuot ng cropped pants, socks, at sneakers.

Base pa rin sa Instagram Story ni Jericho, makikitang napaupo pa siya sa sahig dahil sa porma niya sa paper doll.

Sabay tumayo rin ang aktor para ipakitang nakamedyas at sneakers din siya.

Jericho Rosales and Heart Evangelista

Katabi ng paper doll niya ay paper doll ni Heart na naka-bikini.

Natatawang hirit pa ni Jericho: “Ano to? Outfit check! Par! Ano, par? Simbang gabi na! Yan ang mga pormahan!”

Caption niya rito, kalakip ng laughing emoji, “Masaya sa kubo” at “Sorry @iamhearte.”

Jericho Rosales and Heart Evangelista

Tila ang tinukoy ni Jericho na “masaya sa kubo” ay ang simpleng trip nila noon ni Heart noong magkasintahan pa sila.