Jillian Ward’s 20th birthday bash: Guests, highlight, sidelight

The highlight of Jillian Ward’s 20th birthday celebration is her mini-concert.
Jillian Ward celebrates 20th birthday
The highlight of Jillian Ward’s 20th birthday celebration is her mini-concert.



PHOTO/S: @sparklegmaartistcenter on Instagram

GORGY RULA

Hindi ako nakadalo sa 20th birthday celebration ni Jillian Ward na ginanap sa Forbes Ballroom 3 ng Conrad Manila hotel noong Sabado, February 22, 2025.

Pero ngayong Linggo, Fberuary 23, ang totoong kaarawan ng Kapuso Teen Queen.

Hindi kasi kakayanin ng injured kong paa ang makipag-party-party sa selebrasyon ni Jillian, kaya nakibalita na lang ako sa mga nakadalo roon kagabi.

JILLIAN WARD’S CELEBRITY GUESTS

Present siyempre ang mga kasamahan dati ni Jillian sa Abot-Kamay Na Pangarap na sina Richard Yap, Pinky Amador, Eunice Lagunsad, Johnvic de Guzman, at Chuckie Dreyfus.

Richard Yap at Jillian Ward's party for her 20th birthday
Richard Yap at Jillian Ward’s party for her 20th birthday 

Photo/s: @sparklegmaartistcenter on Instagram

May dalang flowers ang My Ilonggo Girl leading man ni Jillian na si Michael Sager, at nandoon din ang mga kasamahan niya sa Sparkle na sina Kyline Alcantara, Betong Sumaya, Yasser Marta, Arra San Agustin, Raheel Bhyria, Jessica Villarubin, at Althea Ablan na kasama ang boyfriend na si Prince Clemente.

Kyline Alcantara at Jillian Ward's party for her 20th birthday
Kyline Alcantara at Jillian Ward’s party for her 20th birthday 

Photo/s: @sparklegmaartistcenter on Instagram

JILLIAN WARD’S PARTY HIGHLIGHT AND SIDELIGHT

Gusto talaga ni Jillian na kumanta kaya parang nag-mini concert siya.

Hot and sexy daw ang Star of the New Gen sa mga production numbers na ginawa niya.

Ito ang pinaka-highlight ng gabi.

Hindi lang vocal prowess ang ipinamalas, pati ang kanyang dancing talent.

Jillian Ward holds mini-concert at her birthday bash
Jillian Ward holds mini-concert at her birthday bash 

Photo/s: @sparklegmaartistcenter on Instagram

Pero ang isa talaga sa aligaga at hands-on na inasikaso ang selebrasyong yun ay ang mommy ni Jillian na si Jennifer Ward.

Sabi ng ilang napagtanungan namin, masama raw ang pakiramdam ni Mommy Jennifer, pero umaga pa lang ay nandoon na siya sa Conrad.

Kinagabihan, habang nagkakasiyahan ay bumigay raw ito sa pagod. Bigla na lang itong hinimatay.

Nakita raw ng ibang guests ang pagkatumba ni Mommy Jennifer. Kaagad naman daw siyang nasaklolohan ng mga taga-Conrad Hotel.

Nakita na lang daw ng ilang nandoon na isinakay siya sa wheelchair palabas ng party.

Pero wala pa kaming balita kung ano na ang lagay niya.

Kinumusta ko si Mommy Jennifer Ward ngayong umaga, pero hindi pa siya nakasagot sa aking text message. Sana, okay na siya ngayon.

NOEL FERRER

Totoo bang nililigawan si Jillian ng isang guwapong Sparkle actor?

Ayaw pang sagutin ito ni Jillian. Sabi naman niya, hindi niya ito ipagkakait kapag meron na talaga.

“Basta ako po, especially po this year, sabi ko talaga, gusto ko maging mas open, maging mas vulnerable sa mga tao, to be more honest.

“So, kung meron man po ako mami-meet or makaka-date o ano man, I promise ite-text po kita at ipapakita ko sa iyo,” safe na sagot ni Jillian sa interview sa kanya ni Nelson Canlas ng 24 Oras at ilang vloggers.

Ngayong araw ang mismong kaarawan ni Jillian Ward.

Kaya kami sa PEP Troika ay bumabati ng happy birthday sa bida ng My Ilonggo Girl!

JERRY OLEA

“A true queen! Jillian Ward stuns her guests with powerful performances during her birthday celebration!”

Post iyan ng Sparkle GMA Artist Center sa X (dating Twitter) ngayong Pebrero 23, Linggo, ng madaling-araw, kalakip ang apat na litrato.

Nag-post afterwards ang Sparkle ng maikling video at ang sabi:

“Jillian Ward is owning the stage like a true queen!

“Here’s a glimpse of her powerful performance during her birthday celebration.”

Nakakatuwa na present sa 20th birthday celebration ni Jillian ang co-star niya sa Prima Donnas na si Althea Ablan.

Siyempre, hindi na tayo nag-expect na dadalo roon ang bida sa Prinsesa ng City Jail na si Sofia Pablo.