Umani ng pambabatikos mula sa maraming mga netizens ang aktres-TV host na si Jolina Magdangal matapos niyang magbahagi ng open letter kina Carlo Aquino at Charlie Dizon sa kanilang pagpapakasal.
Matatandaang nagpakasal sina Carlo Aquino at Charlie Dizon noong June 9, 2024 sa isang secret wedding celebration.
Isa sa mga celebrity na bumati kina Carlo Aquino at Charlie Dizon ay si Jolina Magdangal, kung saan ipinahayag nito na noon pa man ay ipinapanalangin na niya na sana ay magkatuluyan ang dalawang celebrity couple.
Sa kanyang Instagram account ipinahayag ni Jolina Magdangal ang kanyang kasiyahan sa nangyaring pagpapakasal ng dalawa na noon pa lamang umano ay minamanifest na niya.
“Sabi ni April Charlie sa vows niya totoo daw pala ang manifesting. Gusto ko lang i-share na isa ako sa nag-manifest para sa forever n’yo. At ‘yong mga sinabi ni Kaloi sa vows naman niya kung paano nya iingatan, aalagaan, at mamahalin si April, alam na alam ko na puso n’ya ang nagsasalita. Thankful ako na nawitness ko ang kanilang pag-iisang dibdib,” pahayag ni Jolina Magdangal.
“Kaloi, bilang bata ka pa magkakilala na tayo, alam ko kung gaano ka kabait na anak at mapagmahal sa family mo. Sobrang happy ko talaga para sayo,” dagdag pang pahayag nito kung saan inilahad niya kung gaano siya kasaya sa relasyon ng dalawa.
Kaagad namang umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa mga netizens ang naging pahayag na ito ni Jolina Magdangal kung saan marami sa mga netizens ang napapataas ang kilay dahil paano umano nasasabi ni Jolina na mapagmahal sa pamilya si Carlo Aquino gayung nakaya nitong iwanan ang kanyang dating kinakasama para sa ibang babae.
“ano ba jolina? Panong naging mabait e iniwan nga ang mag-ina nya? Baby pa lang anak nila iniwan na. Very immature”
“Ang hirap maging masaya para sa mga taong nang apak at nanakot ng iba. Sana hindi pag daanan ni charlie yung sakit na pinag daanan nina mithi and trina. Only then she will understand how painful it is maiwan ng lalaking kagaya ni carlo aquino. Wag sana.”
“Mapagmahal hehe natawa ako dun. Saksi din kami sa pananakit nya sa damdamin ni angelica at ni trina”
Sa kabilang banda, marami naman ang nagtatanggol kina Carlo Aquino at Jolina Magdangal kung saan sinasabi ng mga ito na walang masama sa pagpapakasal ng dalawa kahit pa may naunang anak si Carlo sa ibang babae.
May mga nagsasabi pang dapat na magmove on na rin ang mga netizens kagaya ng pagmomove on nina Carlo Aquino at Trina Candaza.
News
10 Most Expensive Celebrity Homes – A 2-Billion Peso Mansion Goes Viral!
Breaking News: 10 Most Expensive Celebrity Homes – A 2-Billion Peso Mansion Goes Viral! The internet is buzzing with excitement…
VIDEO ni Alex Gonzaga LASING na LASING bago BASTUSIN at PAHIRAN ng Cake ang Isang Waiter!
Alex Gonzaga apologizes to waiter after severe bashing online Waiter Allan Crisostomo on spat with Alex Gonzaga: “Ok na po…
Ivana Alawi Admits She Misses Dustin Yu After Her Live PBB Exit – A Heartfelt Confession That Left Fans Stunned!
In a surprising and emotional revelation, Ivana Alawi opened up about missing Dustin Yu after her dramatic exit from PBB (Pinoy Big Brother). Fans…
James Yap Masayang Ibinahagi Ang Unang Pag-uusap Nila Ni Bimby Matapos Ang Ilang Taon
Masayang ibinahagi ng basketball player na si James Yap ang unang conversation nila ng anak niya kay Kris Aquino…
Claudine Barretto claims Raymart Santiago took ‘hundreds of millions’ from her
Claudine Barretto and Raymart Santiago. Image: screengrab from YouTube/Karen Davila, Instagram/@raymartsantiago Claudine Barretto once again spoke about the legal…
Paulo Avelino Tinawag Na the One Si Kim Chiu
Hindi lamang sa larangan ng pag-ibig nangunguna ang Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino. Pati na…
End of content
No more pages to load