Nakarating umano kay Cristy Fermin na nagkakausap na ‘di umano sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. KathNiel, nag-uusap na umano ayon sa source ni Cristy Fermin
Source: Instagram
“”Meron po kaming mga impormanteng hindi nanununog at nangunguryente na nagpaabot sa amin ng impormasyon na nag-uusap na raw po ngayon si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo.” “Pero ito po ay pupwedeng i-deny ni Daniel at ni Kathryn at pwede rin naman po nilang panindigan kung totoong naganap ito.” Ayon pa kay Cristy, best friend ni Kathryn ang nagsilibing tulay sa sinasabing pag-uusap ng dalawa.
“Ang bridge, hindi po namin babanggitin ang pangalan ng best friend ni Kathryn Bernardo na malapit kay Daniel Padilla pero siya pala ang nag-uugnay sa dalawa.” Gayunpaman, tanging sina Kathryn at Daniel lamang ang makakukumpirma kung totoong nagkakausap na silang dalawa makalipas ang mahigit isang taon mula nang isapubliko nila ang kanilang hiwalayan. Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Cristy mula sa kanyang Showbiz Now Na! YouTube channel
Si Kathryn Bernardo ay isa sa mga sikat na aktres sa Pilipinas na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng “It Might Be You”. Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang kanilang tambalan bilang “KathNiel.”
Muling nasungkit ng pelikula nina Kathryn at Alden Richards ang highest grossing film sa Pilipinas sa pelikula nilang Hello Love Again na napanood noong 2024. Matatandaang naungusan ng Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang Hello Love Again ng KathDen subalit makalipas lamang ang halos isang taon, nabawi muli nila ang nasabing trono.
Samantala, balik telebisyon naman si Daniel Padilla na kabilang sa serye na Incognito. Kasama ni Daniel sa nasabing teleserye sina Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, tambalang Anthony Jennings at Maris Racal gayundin si Richard Gutierrez.
News
5 Celebrities Who Seem Kind On-Cam but Are Tough on Their Household Staff – Shocking Revelations!
In the world of showbiz, many celebrities captivate fans with their charm and kindness. But behind the scenes, some stars…
Janno Gibbs NAGSALITA NA sa TOTOONG DAHILAN ng PAGPANAW ng KANIYANG AMA na si Ronaldo Valdez!
QCPD: Ronaldo Valdez found with gunshot wound QCPD’s investigation is still ongoing. Quezon City Police District: “Si Sir Ronaldo Valdez…
TV Patrol: Janno Gibbs, emosyonal na nagbalik-tanaw sa alaala ng kanyang amang si Ronaldo Valdez
Janno Gibbs nangungulila kay Ronaldo Valdez: ‘Miss you, papa’ PHOTO: Instagram/@jannolategibbs MISS na miss na ng actor-comedian na…
Dating Business Partner Ni Ken Chan, Matapang Na Sumagot Sa Pahayag Ng Aktor
Nagbigay ng isang hindi maipaliwanag na pahayag si Mark Wei, ang dating business partner ni Ken Chan, bilang reaksyon…
Vice Ganda’s Heartfelt Reaction to Ryan Bang’s Engagement Will Leave You Tearing Up
Vice Ganda gets emotional over Ryan Bang’s engagement “Sobra akong na-touch kasi ako yung una niyang sinabihan.” Vice Ganda can’t…
ITO PALA ang DAHILAN ng PAGPAPAKALBO ni Ryza Cenon MAY SAKIT BA?
Ryza Cenon, boluntaryong nagpakalbo para sa pelikula Ryza Cenon, natupad ang pangarap magpakalbo. Ryza Cenon on why she decided to…
End of content
No more pages to load