Kotse ni Daniel ilang gabi nang paikut-ikot sa bahay nina Kathryn?

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo
TRULILI kaya ang kumakalat na chika na ilang araw na umanong nagpupunta si Daniel Padilla sa isang subdivision kung saan nakatira ang ex-girlfriend niyang si Kathryn Bernardo?
May balita kasi na patuloy na gumagawa ng paraan si DJ para magkausap uli sila nang masinsinan ni Kath dahil sa kagustuhan umano nitong magkabalikan sila.
Ayon sa veteran showbiz columnist at radio-online host na si Nanay Cristy Fermin, may nakapagkuwento rin sa kanya ng tungkol sa pagpunta-punta ni Daniel sa bahay nina Kathryn.
“Ilang gabi na raw po nitong nakaraang linggo na nakikita ang sasakyan ni Daniel Padilla na paikot-ikot sa subdivision kung saan nakatira ang mga Bernardo…sina Kathryn,” pambubuking ni Nanay Cristy sa aktor sa nakaraang pisode ng programa niyang “Showbiz Now Na.”
Rebelasyon pa ni Nanay Cristy, “Ang balita pa, humahanap talaga ng tao na makakapagtulay para sa kanila ni Kathryn.”
Ngunit sabi ng batikang manunulat at TV host, maaari naman daw idenay, kumpirmahin o dedmahin na lang nina Daniel at Kathryn ang nasabing chika na nakarating sa kanya.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nabalitang patuloy pa ring sinusuyo ni Daniel sa Kathryn matapos ang kanilang breakup.
Kasunod nito ang balitang personal na pinuntahan ng aktor si Kathryn sa dressing room nito sa ginanap na Christmas special ng ABS-CBN last December.
Kumalat pa nga ang isang video clip at mga litrato kung saan makikita ang paghalik ni Daniel sa noo ni Kathryn.
At in fairness, hanggang ngayon, kahit matagal na silang hiwalay ni Kathryn, ay hindi pa rin dini-delete ni Daniel ang mga sweet photos nila together sa Instagram.
News
Totoong Dahilan Sa Pag-absent Ni Karylle Sa Guesting Nina Dingdong Dantes, Marian Rivera sa It’s Showtime
Hanggang ngayon ay iniintriga parin ang actress-host na si Karylle kung bakit umabsent siya sa It’s Showtime noong nag-guest…
BREAKING NEWS: Julia Barretto SHOCKED by Gerald Anderson’s Birthday Surprise Gift with LOVE from Masbate!
Kapamilya actress Julia Barretto was left speechless after receiving a heartfelt and unexpected birthday surprise from her boyfriend, actor Gerald…
Alden Richards, Nagsalita Tungkol Sa Relasyon Nila Ni Kathryn Bernardo
Nag bigay na ang Asia’s Multimedia Star at Kapuso star na si Alden Richards patungkol sa tunay na estado…
John Arcilla Sinabon Si Carlos Yulo Dahil Sa Pagiging Bastos at Madamot Sa Sariling Magulang!
Nagbigay ng kanyang personal na opinyon ang award-winning actor na si John Arcilla hinggil sa relasyon ng mga magulang…
Daniel Padilla, Inilabas Na Ang Totoong Pagtrato Sa Kanyang Mga Fans Matapos Hiwalayan Ni Kathryn
Hindi nagustuhan ng mga netizens at ilang mga fans ng aktor na si Daniel Padilla ang ginawa nito sa kanyang…
Sarah Lahbati 29th Birthday celebration with Hubby Richard & the kids + flying to Cebu City
Nakakahanga ang pagmamahal na ibinibigay ni Richard Gutierrez kay Sarah Lahbati, lalo na sa pagdiriwang ni Sarah ng ika-29th…
End of content
No more pages to load