Kris Aquino still recovering amid fake news
Kris Aquino: “But we’re together- that’s what matters.”
Kris Aquino’s close friend denies fake news about her; says actress-TV host still recuperating from her illnesses. Photo above shows Kris bonding moment with her sons Joshua and Bimby.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
Patuloy pa ring nagpapagaling si Kris Aquino sa gitna ng kumakalat na mga fake news sa ilang chat groups.
Ito ang binigyang-linaw ng matalik na kaibigan ni Kris at dating entertainment editor na si Dindo Balares.
Sa kanyang Facebook kahapon, December 22, 2024, nagkuwento si Dindo ukol sa mga nagtatanong sa kanya sa mga usap-usapan sa chat groups.
Panimula niya sa kanyang post, “Katatapos lang namin magkumustahan ni Kris Aquino last Sunday nang mag-chat ang aming publicist friend.
“‘Kuya totoo po ba? Sana naman hindi,’ mensahe sa akin.
“‘Alin po?’ tanong ko.
“‘May kumakakat kasi na wala na si Kris Aquino. Sana hindi totoo.’
“‘Saan galing?’
“‘May nagsabi lang sa isang chat group.’
“‘Kausap ko lang an hour ago.’
“‘Hay salamat naman. Hope she’s well and happy. Continue lang ako sa pagdasal for her.’
“‘Thank you, ______!’ (Sadya kong ‘di pinangalanan para walang mangulit sa kanya kung sinu-sino ang nasa chat group niya, he-he….)”
Matapos nito, isa pa raw kaibigan ni Dindo ang nagtanong tungkol din sa kumakalat na balita.
Saad niya, “Ngayong umaga, isang kamanunulat at kapwa dating editor na malapit din kay Krisy ang kumontak.
“‘Any update about Kris?’ aniya.
“‘Nagpapagaling pa rin po. Maraming salamat, ____! Ipaparating ko sa kanya ang iyong pangungumusta.’
“‘May mga kumakalat na namang kung anu-ano. I’m always praying for her.’
“‘Oo nga. Nahihirapan, pero malaking tulong ang prayers, ____. Sure akong matutuwa siya na ‘di mo siya kinakalimutan.’”
Mensahe ni Dindo sa followers ni Kris, huwag basta-basta maniwala sa mga lumalabas sa social media.
Aniya, “Para po sa followers ni Krisy, dobleng ingat na lang po sa fake news at misinformations. Huwag maniniwala hangga’t hindi galing sa kanyang pamilya o reliable sources.
“Patuloy ang gamutan at pagpapalakas niya. Katunayan, food ang madalas na topic namin ngayon.”
KRIS AQUINO: “But we’re together—that’s what matters.”
May bago namang padalang larawan si Kris kay Dindo, kung saan makikita ang bonding nila ng mga anak niyang sina Josh at Bimby.
Sa chat nila ni Dindo, sinabi ni Kris na tulog daw ang nakahihiligan nito ngayon.
Pagbabahagi ni Dindo, “Ipinadala niya ito kahapon habang magka-chat kami.
“Nagiging antukin si Krisy kaya panay ang tulog. Sabi ko, sana bumabawi na ang kanyang katawan, lalo na’t umaayos na ang panlasa niya.
“Madalas pa ring may masasakit sa katawan, 24/7 naka-monitor ang blood pressure at heartbeat, at tuloy ang gamutan.
“‘But we’re together- that’s what matters,’ sabi niya nang ipadala ang picture. ‘And i’ll do everything for us to be together longer. Alleluia.’”
Sa health update ni Kris noong November 2024, sinabi niyang mula sa lima ay naging anim na ang kanyang autoimmune disease.
Kasunod nito ang pagpapasalamat niya sa lahat ng mga espesyalistang nagtulung-tulong para sa kanyang operasyon.
Pinangalanan na rin ni Kris ang doktor na naugnay sa kanya noon, si Dr. Mike Padlan.
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply