Ibinunyag ni Ogie Diaz ang totoong dahilan kung bakit naghiwalay sina Xian Lim at Kim Chiu na kakaunti lang ang nakakaalam
Ibinunyag ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz ang nakarating sa kanya na dahilan ng hiwalayan nina Xian Lim at Kim Chiu matapos ang 12 years nilang relasyon.
Sa kamakailang episode ng showbiz oriented vlog nina Ogie Diaz, isiniwalat nito ang kumpirmasyon sa bali-balitang naghiwalay na ang celebrity couple na sina Xian Lim at Kim Chiu.
Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz, isang kaibigan niya ang nagsabi sa kanya sa sitwasyon nina Kim Chiu. Hindi pa lamang umano ito maamin ng Kapamilya actress-host dahil hanggang ngayon ay pinoproseso pa umano ng aktres ang sarili dahil sa biglaang break up nila.
Hindi pa umano ito maamin ni Kim Chiu dahil pinoproseso pa niya ang lahat lalo na’t inamin naman ni Kim Chiu noon na kapag siya ang nagmahal ay ibinubuhos niya ang lahat. Dahil ayaw umano niya na dumating ang araw na kukwestyunin siya ng lalaki o ninuman na may itotodo pa pala ang kanyang pagmamahal bakit hindi pa nito ibinigay ang lahat.
Ibinahagi ni Ogie Diaz na wala naman umanong third party sa hiwalayan nila ang naging problema lamang ay ang kawalan ng plano ni Xian Lim sa relasyon nila ni Kim. Lumalabas na wala umano sa mga priority ni Xian Lim si Kim Chiu.
Naitanong naman ni Mama Loi kung kailan pa naghiwalay ang dalawa, na kaagad namang sinagot ni Ogie Diaz na nauna lamang ng kaunti sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga ito dahil magdadalawang buwan pa lamang na hiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim.
Dagdag pang pahayag ni Ogie Diaz, tila naghihintay na lamang si Kim Chiu ng proposal mula kay Xian Lim dahil 12 years na rin naman ang kanilang relasyon at nasa tamang edad na sila para magpakasal.
Ipinahayag rin ni Ogie Diaz na nagsilabasan lamang ang mga isyu ng mga babaeng nalilink kay Xian Lim nang matapos na ang hiwalayan nila ni Kim Chiu kaya naman hindi ito maituturing na third party.
Sa kabilang banda, naging malaking tulong umano para sa mga pinagdadaanan ngayon ni Kim Chiu sa hiwalayan nila ni Xian Lim ang kanyang It’s Showtime family dahil sa mga pagdamay ng kanyang mga co-host. Nakakangiti rin umano sa studio si Kim dahil kabilang sa kanilang trabaho roon ang pagbibigay ng saya.
Ito rin marahil ang dahilan kung bakit naging laman ng pagbibiro ni Vice Ganda si Kim Chiu lalo na kapag napapansin ng Unkabogable Star na nagsisimula na itong maging emosyunal.
Samantala, makikita ngayon sa YouTube channel ni Xian Lim na binura na nito ang mga vlogs nila ni Kim Chiu na magkasama, isang video na lamang ang natira sa kanyang channel at dalawang shorts na hindi naman niya kasama si Kim Chiu.
Kung pagbabasehan naman ang mga nalilink ngayong babae kay Xian Lim, mahihinuhang nag-uumpisa na itong magmove on habang ang actress-host ay pinoproseso pa ang nangyari sa kanilang dalawa.
Bumuhos naman ngayon ang mga mensahe ng pagsuporta kay Kim Chiu mula sa kanyang mga fans. Naniniwala sila na malalampasan rin ni Kim Chiu ang lahat at makakatagpo rin ito ng lalaking handa siyang pakasalan at siya ang magiging una sa mga priority nito.
News
Ogie Diaz shocks the public with his controversial statements regarding Kris Aquino’s death, leaving fans in awe.
Kris Aquino Death Hoax: Ogie Diaz Says “Huwag magpakalat” Ogie Diaz clarified these fake posts about Kris Aquino A social…
GRETCHEN BARRETTO TAKES THE WORLD BY SURPRISE, REVEALS ATONG ANG’S SECRET LIFE…(VIDEO)
Gretchen Barretto, Isiniwalat na ang Bahay ni Atong Ang! Sa isang kamakailang panayam, nagbigay si Gretchen Barretto ng mga detalye…
Just Now! JAMES YAP, Dinalaw Ang Ex-wife! || KRIS AQUINO, Napaluha ng sobra!🥺❤️
Breaking News: James Yap Pays Emotional Visit to Ex-Wife Kris Aquino, Moves Her to Tears In a poignant turn of…
Ryzza Mae Dizon INALIS NA sa Eat Bulaga, KUKUNIN ni Vice Ganda sa ITS SHOWTIME!
Isang malaking balita ang kumalat sa mundo ng telebisyon nang lumabas ang impormasyon na si Ryzza Mae Dizon, ang kilalang…
Andrea Brillantes SPOKE OUT AND CONFESSED HER RELATIONSHIP WITH Daniel Padilla!
In an exclusive revelation that has sent shockwaves through the entertainment world, Andrea Brillantes has finally confirmed her relationship with…
SHOCKING: Gretchen Barretto Unexpectedly “EXPOSES” SECRET RELATIONSHIP Who is her “CHILD” with ANG? (VIDEO)
Philippine showbiz was once again shaken when the name **Gretchen Barretto** suddenly became the center of unbelievable rumors. This time,…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply