Piel Morena tells the origin of her screen name.

piel morena
In an exclusive interview with PEP, former sexy star Piel Morena reveals the origin of her screen name and the reason why she quit after being in showbiz for just three years. 



PHOTO/S: FLT Films / Jojo Gabinete

Permanent resident na ng Germany ang dating sexy actress na si Piel Morena.

Si Piel ay nagbida sa mga pelikula ng FLT Films mula 1998 hanggang 2001.

Tinalikuran ni Piel ang showbiz dahil sa mga pinagdaanan niyang pagsubok at nagmahal siya nang husto sa kapwa babae na mas matanda sa kanya.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Piel, sa pamamagitan ng video, noong Martes, Pebrero 25, 2025, nagbalik-tanaw siya sa nakaraan — ang pag-uumpisa ng kanyang acting career at mga hindi niya malilimutang karanasan bilang artista.

THE ORIGIN OF THE SCREEN NAME PIEL MORENA

Baby Rose Romano Cortez ang totoong pangalan ni Piel.

Pero ang ginagamit niyang apelyido ngayon ay ang apelyido ng kanyang estranged German husband.

Pagkatapos nito ay ikinuwento ni Piel sa PEP kung ano ang pinanggalingan ng kanyang screen name.

“My screen name, Piel Morena, galing sa song ni Thalia, ang Mexican actress na sumikat noon sa Pilipinas dahil sa telenovela na MariMar.

“Nung time kasi na kinuha ako na contract star ng FLT Films, hindi pa ako artista noon.

“But Mommy Rose, she’s training me to be an actress, I stayed with her.”

Ang tinutukoy ni Piel na “Mommy Rose” ay ang dating producer ng FLT Films na si Rose Flaminiano.

Inilagaan at itinuring daw siya noon ni Mommy Rose na sariling anak kaya naging mahigpit ito sa kanya.

Pagpapatuloy ni Piel: “She had no idea about Thalia, but ako, number one fan ako ng MariMar.

“Nang magkaroon si Mommy Rose ng ticket para sa concert ni Thalia sa Manila, isinama niya ako at naging instant fan din siya ni Thalia.

“Nag-karaoke kami sa bahay niya sa Panay Avenue, pinakanta niya ako.

“Sabi ko sa kanya, pinag-aralan ko ang kanta ni Thalia, at ‘Piel Morena’ ang kinanta ko noon.