Macoy Dubs to Christian Vazquez: “Kayo po dahilan bakit ako bading. Charet!”

Christian Vazquez's sexy photo get hilarious reactions from netizens
Netizens leave hilarious and naughty comments on Christian Vazquez’s sexy topless mirror selfie: “Kayo po dahilan ng pag tangkad ko. Belated Happy Birthday bossing.”



PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Muli na namang napagdiskitahan ng ilang mapaglarong netizens ang sexy topless photo ng aktor Christian Vazquez.

Sa Instagram nitong nakaraang February 22, 2025, ibinahagi ni Christian sa Instagram ang topless mirror-selfie niya.

Tanging tight pants ang suot niya.

Kita ang magandang pangangatawan ng aktor sa post niya.

Christian Vazquez mirror selfie
Photo/s: Courtesy: Instagram

Sabi ni Christian sa caption ng kanyang post, “Checking 1 2 3 at 48.”

Ang “48” na tinutukoy ni Christian ay may kaugnayan sa edad niya dahil nagdiwang siya ng kanyang ika-48 kaarawan noong February 8, 2025.

 

NETIZENS REACTS

Komento ng isang netizen sa post ni Christian (published as is), “Hulaan niyo nasaan ang aqua flusk ko ngayon [laughing emoji]”

Netizens on Christian Vazquez

Maging ang popular content creator na si Macoy Dubs ay hindi napigilang magkomento.

Aniya, “Belated happy bday po. Kayo po dahilan bakit ako bading. Charet!”

Macoy Dubs on Christian Bautista

Biro ng isa, “mag tatangal na nmn ako ng fake nails”

Netizens on Christian Vazquez

Ayon sa isa, “Kayo po dahilan ng pag tangkad ko. Belated Happy Birthday bossing.”

Netizens on Christian Vazquez

Birong komento ng isang netizen sa kanyang kaibigan, “ikiskis mo sa iyong rosas”

Netizens on Christian Vazquez

Walang sinagot na komento si Christian.

CHRISTIAN VAZQUEZ ON “PAMBANSANG PAMBASA” TAG

Noong April 2024, tila napakamot na lamang ng ulo si Christian dahil sa komento ng isang netizen na nagpapantasya sa kanya.

Ito ay matapos ibahagi ni Christian ang video ng kanyang mobility exercise sa kanyang Instagram.

Topless si Christian sa video na may suot lamang na sexy short.

Mapapansin ding matikas pa rin ang pangangatawan ng 47-year-old actor that time.

Saad niya sa caption, “I want to be strong when I reach 50 and that is just 3 years away.

“So I start today and everyday coz that is the way. It rhymes they say.”

Sa comments section, isang netizen ang walang patumpik-tumpik na tinawag si Christian na “pambansang pambasa.”

Komento nito, “Ikaw po yata ang pambansang pambasa ng k*ffy! [lauging emojis]”

Sagot ni Christian, “ang lupit ng title ah.”

Bago pa nito, nag-viral na rin noong January 2024 si Christian dahil naman sa kanyang TikTok.

Isang netizen na kaedaran umano ni Christian ang nagkomentong pinagpantasyahan umano niya ang aktor na lumalabas noon sa sexy movies.

Ayon dito, “naalala ko non halus magkaedad lnq tau nag lalock aq ng kuarto para lng ikoskos sa rosas ko taas baba ang pciture mu naka brief hehe”

Hindi ito sinagot ni Christian.

Ilan sa sexy movies na tinampukan ni Christian noong eary 2000s ay ang Sukdulan, Liberated, Bridal Shower, at Liberated 2.