Ang bongga ng lineup ng mga celebrity na um-attend sa BYS Fashion Week, ha!

Pero siyempre ang pinakamaingay sa lahat ay sina James Reid at Enrique Gil

Si James ay ex-manager ni Liza Soberano at si Enrique naman ay hindi lang kami sure kung ex-boyfriend na nga ba ang dating Kapamilya actress at ngayon ay Hollywood star na rin.

Spotted nga na magkatabi sina James, Enrique sa nasabing fashion event — kaya ang tanong ngayon ng netizens ay kung may collaboration daw ba ang dalawa?

Sanib puwera ba sina James at Enrique?

Magiliw raw ang bonding, tsikahan ng dalawa sa BYS Fashion Week, ha!

Sabi ng isang malapit kay James, ang saya-saya raw na makitang magkasama ang singer-actor at si Enrique.

Pero may proyekto nga bang pagsasamahan ang dalawa? O may napag-usapan na ba na gagawa sila ng collab?

“Puwede oo… puwedeng hindi. Abangan n’yo na lang!” tsika ng taong malapit kay James.

Hmph… talagang bitin ang sagot, ha! Pero siyempre, nakaka-happy na masaya ang netizens na nakitang magkasama sina James at Enrique.