SCREENSHOT: GMANetwork on YouTube
Muntik na raw pumanaw si Superstar Nora Aunor kamakailan lang dahil sa hindi maagap na pag-attend sa kanyang medical needs.
Iyan ang isinalaysay niya kay King of Talk Boy Abunda nang mag-guest siya sa programa nitong Fast Talk With Boy Abunda sa GMA-7 kahapon, February 20.
Natanong kasi ni Tito Boy si Ate Guy tungkol sa ilan sa mga nangyaring himala sa buhay ng beteranang aktres.
Ito nga ang naikuwento niya, noong isinugod siya sa ospital dahil sa pagbaba ng oxygen level sa kanyang katawan.
“Hindi ko alam kung p’wede ko sabihin. Kasi…namatay na ako ng three minutes, e, itong mga nakaraan lang. Ewan ko, ngayon ko lang sasabihin ito,” panimulang lahad niya sa kanyang rebelasyon.
Nangyari nga raw ito nang minsang isinugod siya sa ospital.
“Pero kasi, ang nangyari noon… ’Di ba, noong nagkakasakit ako, ilalabas ako ng gabi, madaling araw dadalhin na naman ako sa ospital,” pagbabalik-tanaw ni Nora.
“May insidente na sabi ko, ‘Halika na!’ Kasi bumababa na ang oxygen [level], e, sa katawan. So, takbo na naman sa ospital.”
Ayon pa sa kanya, hindi daw siya kaagad naasikaso sa ospital kaya’t nawalan na lang daw siya ng malay.
“[Pagdating] sa ospital, sabi ko, ‘Oxygen lang po ang kailangan ko.’ Ang nangyari… Hindi ko alam. Walang tumulong [kaagad]. Hindi minadali na lagyan ako ng oxygen,” kuwento ni Ate Guy.
“Ang nangyari, humiga ako. Pagka higa ko, hindi ko na alam kung anong nangyari. Pagising ko nandu’n na ako sa ICU [intensive care unit].”
Doon na raw ipinagtapat sa kanya ng mga kasama niya na namatay na umano siya for three minutes pero luckily ay naagapan daw ito.
“‘Ang sabi nga sa akin, ang suwerte mo mahal ka ng Diyos. Sabi niya, kasi binalik ka uli. Siguro ’yong misyon mo hindi pa tapos. Meron ka pang dapat na gawin sa mundo.’ ’Yon ang laging sinasabi sa akin ng ibang kaibigan ko,” saad pa niya.
Humingi naman siya ng paumanhin sa kanyang mga fans dahil inilihim niya sa kanila ang bagay na ito.
“Ito hindi talaga alam ng mga tao. Sorry po, napag-usapan. Hindi naman siguro masama na sabihin ko sa inyo ang totoo na ’yon ang talagang nangyari sa akin,” sey pa n’ya.
Samantala, napag-usapan din nila ni Tito Boy ang naging issue nila ng anak niyang si Matet de Leon bago matapos ang 2022 dahil sa gourmet tuyo and tinapa business.
Dito inamin ni Nora na hindi lang daw sila magkaunawaan ng kanyang anak. Hindi rin daw niya alam that time na may pinagdadaanan si Matet.
“‘Yon naman kasi, hindi kami… Siguro may pinagdadaanan ang anak ko. Hindi ko rin naman alam na may pinadadaanan s’ya,” paliwanag ng aktres.
Natuwa lang daw siya noon na mag-start ng food business pero hindi niya daw inasahan na sasama ang loob ni Matet sa kanya.
“Ang sa akin, nagkaroon ako ng, ‘Halika, gawa tayo tuyo.’ Ganyan, ganyan. Hindi ko alam ikakasama ng loob n’ya. ’Yon, nagkaroon ng sama ng loob,” aniya.
Ang mahalaga naman daw ay nagkausap at nagkaayos na silang mag-ina, ganu’n din ang relasyon niya sa iba pa niyang mga anak.
“Okey kami ngayon. Dinadalaw ako ng nga anak ko. Sina Ian… kararating lang pala nina Ian galing ng Japan. Pagka Sunday, pinapasyalan nila ako. Lahat sila, pamilya. Si Lotlot, lately, nagkikita kami at pinupuntahan n’ya din ako,” pagbabahagi niya.
Pag-amin pa ni Nora, hindi siya perpektong ina. Ang importante naman daw kasi ay nagkakausap sila ng kanyang mga anak.
“Sabi nga nila, ‘Nanay ka. Ipakita mo sa mga anak mo kung ano ang tama,‘” aniya.
“May mga pagkukulang… Marami akong pagkukulang sa mga anak ko. Pero pag nagkikita naman kami, nasasabi ko ’yong mga sama ng loob ko sa kanila.
“Pinag-uusapan namin kung ano ang dapat gawin. Nakikinig naman sila. Ang importante doon nagkakausap kami,” pagtatapos ni Ate Guy.
News
🔥 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔?! 😱😱
🔥 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔?! 😱😱 “ANG EX…
“Beetroot for health: Eliminate anemia, cysts, and fibroids with this juice”
“Beetroot for health: Eliminate anemia, cysts, and fibroids with this juice” Natural remedies have proven to be an effective alternative…
“Perpektong Pamilya” Gumuho? Lucy Torres-Gomez, Umiibig sa Iba Habang Todo-Post Pa Rin ng Happy Family Photos!
“Perpektong Pamilya” Gumuho? Lucy Torres-Gomez, Umiibig sa Iba Habang Todo-Post Pa Rin ng Happy Family Photos! Kilalang-kilala bilang kalahati ng…
Any Husband Can Satisfy His Wife in Bed Thanks to This Powerful Combination
Any Husband Can Satisfy His Wife in Bed Thanks to This Powerful Combination Every man desires confidence and stamina in…
“Lucy Torres-Gomez, Nagnakaw Nga Ba?!” – Tsismis ng Shoplifting na Paulit-ulit Pa Ring Lumilitaw!
“Lucy Torres-Gomez, Nagnakaw Nga Ba?!” – Tsismis ng Shoplifting na Paulit-ulit Pa Ring Lumilitaw! Sa isang mundo kung saan ang…
SUNSHINE CRUZ: MULA SA SWEETHEART NG SHOWBIZ HANGGANG SA SENTRO NG MGA SCANDAL — BAKIT SUNOD-SUNOD ANG KONTROBERSIYA?
SUNSHINE CRUZ: MULA SA SWEETHEART NG SHOWBIZ HANGGANG SA SENTRO NG MGA SCANDAL — BAKIT SUNOD-SUNOD ANG KONTROBERSIYA? Akala ng…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply