Naging emosyonal si Ate Resty habang ikinukwento ang 20 taon niyang paninilbihan kay Heart Evangelista
Ibinahagi ni Ate Resty na itinuring siyang pamilya sa buong panahon ng kanilang pagsasama
Ayon kay Heart, si Ate Resty ay higit pa sa isang personal assistant, tinawag niya itong “good compass” sa kanyang buhay
Kasama si Ate Resty sa mga nakatanggap ng mamahaling Hermes at designer bags mula kay Heart bilang Christmas gift
Naging emosyonal ang personal assistant at matalik na kaibigan ni Kapuso star Heart Evangelista na si Resty Rosell, o mas kilala bilang “Ate Resty,” nang makapanayam siya sa reality series na Heart World. Sa pinakabagong episode ng nasabing serye nitong Sabado, Nobyembre 7, ibinahagi ni Ate Resty ang kaniyang nararamdaman matapos magsilbi bilang personal assistant ni Heart Evangelista sa loob ng dalawang dekada.

Source: Youtube
Ayon kay Ate Resty, sa loob ng 20 taon niyang paninilbihan sa aktres, itinuring na siyang pamilya. Ani ni Ate Resty, “20 years na kaming magkasama. Naku, grabe, working with ‘Ganda,’ tinuring kang family,” sabay takip ng mukha dahil sa bigla niyang pagluha.
Binigyang-diin naman ni Heart Evangelista na hindi lang isang personal assistant si Ate Resty, kundi isang “good compass” din sa kaniyang buhay. Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Heart, “She knew who I was. She’s also like a good compass kung tama ba ‘tong nagawa ko o hindi.”
Matatandaan na si Ate Resty ay kasama sa mga nakatanggap ng mga mamahaling regalo mula kay Heart Evangelista, kabilang na ang mga Hermes at designer bags bilang bahagi ng kaniyang Christmas gift para sa mga taong malapit sa kanya.
Si Heart Evangelista ay isang kilalang Filipino actress, model, at philanthropist. Ipinanganak noong February 14, 1985. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, naging parte si Heart ng mga philanthropic activities at proyekto. Siya rin ay may mga social media platforms kung saan aktibo siya sa pagbibigay ng updates tungkol sa kanyang buhay personal at professional.
Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit.
Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan.
News
OFFICIALLY REVEALED! Julia Montes and Coco Martin Introduce Their Daughter to the Public — “She’s Coco’s Girl Version!”
Sa wakas, ang pinakaaabangang rebelasyon ng taon ay nangyari na! Julia Montes at Coco Martin, ang long-rumored reel-to-real couple ng…
Kim Chiu Muntik Madisgrasya Sa Block Screening Ng Sariling Pelikula
Isang insidente ng aksidente ang muntik magdulot ng panganib sa buhay ng “Asia’s Superstar” at “Queen of Good Vibes”…
NAIBUNYAG NA! Priscilla Meirelles, Emosyonal na Inamin ang Matagal na Itinatagong Lihim Kay Janice De Belen—May Kinalaman Kay John Estrada?!
Nagulat ang publiko nang sa wakas ay binasag ni Priscilla Meirelles ang katahimikan tungkol sa matagal nang usap-usapan—ang tunay na…
Nakakalokang Balita: Bumalik ang Hangin at Alon! Nagulat si Maricar Reyes Sa Paglalantad Ng Madilim na Katotohanan Sa Likod Ng Video Kasama si Hayden Kho
Isang malaking kontrobersiya ang muling umalingawngaw sa mundo ng showbiz matapos maglabas ng matinding rebelasyon si Maricar Reyes. Matapos ang…
MATAPANG NA INAMIN ni Ryan Agoncillo ang DAHILAN at KATOTOHANAN SA LIKOD NG hiwalayan niya kay Judy Ann Santos! Kawawa naman ang mga netizens (TR)
Matapos has been considered one of the most stable couples in Philippine showbiz for many years, Ryan Agoncillo suddenly shocked…
Shocking Moment! EA Guzman Ipinakita ang Likod sa Publiko — Shaira Diaz, Napareact ng Matindi!
Nagulantang si Shaira Diaz, host ng “Unang Hirit” at Kapuso actress, sa isang nakakagulat na ginawa ng kaniyang fiancé na…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply