Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

Posted by

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend
Photo courtesy: Kris Aquino (FB)/Dindo Balares (IG)

Nagsalita na si Queen of All Media Kris Aquino para klaruhin ang mga kumakalat na tsikang ikinasal na sila ng kaniyang non-showbiz boyfriend sa pamamagitan ng isang intimate at private outdoor wedding.

Ipinahatid ni Krisy ang kaniyang sagot sa kaibigang journalist na si Dindo Balares, na ipinost naman ng huli sa kaniyang Instagram account.

“FAKE NEWS”

“Maraming salamat po sa media friends na nagpapadala ng link at nagtatanong kung totoo o hindi.”

“Pakiabangan po ang detalye,” mababasa sa Instagram post ni Balares. Kalakip ng post ang dalawang larawang pinagdugtong kung saan makikita si Kris at ang sinasabing boyfriend niya habang nasa loob sila ng eroplano. Sinasabing ang nabanggit na larawan ay kuha nang umuwi si Kris sa Pilipinas kamakailan.

Ang pangalawang larawan naman ay ang sinasabing wedding venue, na naka-set up sa mapunong lugar.

Sa isa pang Instagram post, ibinahagi na mismo ni Balares ang naging tugon ni Krisy nang siya na mismo ang magtanong tungkol dito.

“Hello Krisy! As much as possible, ayaw kong iniistorbo ka. Pero dumadami ang nagtatanong na media friends. Gusto mo bang sagutin ko?” tanong niya sa kaibigan.

Sagot ni Kris, “Kuya Dindo, the best answer to that fake news is how can your panganay who has adult onset asthma and has publicly admitted to having Chronic Spontaneous Urticaria and is currently undergoing treatment that makes her extra sensitive to direct sun exposure and as you yourself know sobrang allergic ako sa mga dahon ng puno (trigger ng allergic rhinitis and asthma for me) especially grass as in damuhan – does it make sense na pipili ako ng outdoor venue? Na punung-puno ng halaman? Hindi lang ako ang may asthma, si Bimb also has asthma.”

“Kuya Dindo, kung totoong kilala ako nu’ng nag-scoop nito alam niya dapat ‘yung alam na alam mo — hindi friend ng respiratory system ko ang mga puno at lalo na ang grass, kahit nga astroturf bawal because maraming alikabok na puwedeng ma-collect.”

Nagbanggit pa si Kris na bukod kay Balares, ang isa pang credible source tungkol sa kaniya ay si showbiz insider Ogie Diaz.

“Dapat maniwala lang sila kung ikaw or si Pareng Ogie (Diaz) ang mag-“giveaway” na blind item,” ayon pa kay Kris.

News

OFFICIALLY REVEALED! Julia Montes and Coco Martin Introduce Their Daughter to the Public — “She’s Coco’s Girl Version!”

Sa wakas, ang pinakaaabangang rebelasyon ng taon ay nangyari na! Julia Montes at Coco Martin, ang long-rumored reel-to-real couple ng…

Kim Chiu Muntik Madisgrasya Sa Block Screening Ng Sariling Pelikula

  Isang insidente ng aksidente ang muntik magdulot ng panganib sa buhay ng “Asia’s Superstar” at “Queen of Good Vibes”…

NAIBUNYAG NA! Priscilla Meirelles, Emosyonal na Inamin ang Matagal na Itinatagong Lihim Kay Janice De Belen—May Kinalaman Kay John Estrada?!

Nagulat ang publiko nang sa wakas ay binasag ni Priscilla Meirelles ang katahimikan tungkol sa matagal nang usap-usapan—ang tunay na…

Nakakalokang Balita: Bumalik ang Hangin at Alon! Nagulat si Maricar Reyes Sa Paglalantad Ng Madilim na Katotohanan Sa Likod Ng Video Kasama si Hayden Kho

Isang malaking kontrobersiya ang muling umalingawngaw sa mundo ng showbiz matapos maglabas ng matinding rebelasyon si Maricar Reyes. Matapos ang…

MATAPANG NA INAMIN ni Ryan Agoncillo ang DAHILAN at KATOTOHANAN SA LIKOD NG hiwalayan niya kay Judy Ann Santos! Kawawa naman ang mga netizens (TR)

Matapos has been considered one of the most stable couples in Philippine showbiz for many years, Ryan Agoncillo suddenly shocked…

Shocking Moment! EA Guzman Ipinakita ang Likod sa Publiko — Shaira Diaz, Napareact ng Matindi!

Nagulantang si Shaira Diaz, host ng “Unang Hirit” at Kapuso actress, sa isang nakakagulat na ginawa ng kaniyang fiancé na…

End of content

No more pages to load

Next page