Kathryn Bernardo, ‘taken’ na raw ayon sa source ni Ogie Diaz
May bagong tsismis na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng showbiz matapos ibunyag ng entertainment insider na si Ogie Diaz na tila may bagong pag-ibig na ang award-winning actress na si Kathryn Bernardo!

Source: Instagram
Sa pinakabagong episode ng kanyang online show na “Showbiz Update,” kasama sina Mama Loi at Ate Mrena, isiniwalat ni Ogie na bagamat nagkaayos na sina Kathryn at ang dating kasintahang si Daniel Padilla, tila malabo na ang posibilidad na magkabalikan ang dalawa.
Ayon kay Ogie, “Malabo kasi –ang sabi lang sa akin ha, ewan ko kung true… Kasi kung single pa rin si Kathryn, pwedeng magkaroon ng possibility kung liligawan pa rin siya ni Daniel.”
Ngunit ang mas malaking pasabog ni Ogie ay ang balitang “taken” na raw si Kathryn! Agad namang nag-react si Mama Loi at tinanong, “Really?! Da who??”
Walang pasubali namang sagot ni Ogie, “Ang sabi sa akin ha, ang nagmamay-ari ng puso ni Kathryn ngayon ay walang iba kundi non-showbiz.”
Nagbigay pa ng dagdag na clue ang talent manager at TV host, na na-one-on-one interview na niya ito noon. Kaya naman, agad ding nag-follow-up si Mama Loi, “Pero non-showbiz? Ang ini-interview mo naman kung hindi artista, ‘yung mga nagva-viral o kaya pulitiko. So alin sa dalawa?”
Dito na ibinulgar ni Ogie na ang tinutukoy niyang lalaki ay isang batang politiko!
“Yes, si Mayor Mark Alcala ng Lucena City!” bulalas niya.
Ayon kay Ogie, noon pang Hulyo ng nakaraang taon unang kumalat ang tsismis na nililigawan ni Mayor Alcala si Kathryn. Sa kabila nito, hindi umano siya sinagot ng batang alkalde nang subukan niyang kumpirmahin ang balita.
“July pa ‘yun ha, so nanliligaw siguro ito –’yung mga panahon na nanliligaw siya,” paliwanag ni Ogie.
Dagdag pa niya, ayon sa kanyang source, posibleng naging opisyal ang relasyon nina Kathryn at Mayor Alcala noong Nobyembre o Disyembre ng nakaraang taon. Ngunit tila pinili nilang maging pribado ang kanilang relasyon, lalo na’t noong Nobyembre 13 ay ipinalabas ang pelikulang “Hello, Love, Again,” kung saan muling nagsama sina Kathryn at Daniel sa big screen.
“Siempre kung ako si Mayor Alcala, hindi ako papasok sa eksena kasi KathDen ‘yun eh. Ito ‘yung kasagsagan pa ng showing, inabot ng isang buwan ‘yung showing…” paliwanag ni Ogie.
Bagama’t walang larawan o ebidensiya na nag-uugnay sa kanila, may balitang minsan si Mayor Alcala ang lumuluwas sa Maynila at minsan naman si Kathryn ang pumupunta sa Lucena upang magkitang dalawa.
Ngunit sa kabila ng mainit na chika, aminado si Ogie na hindi pa kumpirmado ang relasyon ng dalawa. “Kaya ito hindi confirmed, basta ‘yan ang nakarating sa akin… Importante pa rin na sa kanila mismo marinig sana kung ano ang totoo,” aniya.
Sa huli, idiniin niya na wala namang masama kung pareho namang single sina Kathryn at Mayor Alcala. Kung totoo man ang chika, mukhang masaya na ulit si Kathryn sa bagong kabanata ng kanyang buhay pag-ibig!
Si Kathryn Bernardo ay isang sikat na aktres sa Pilipinas na kilala sa kanyang husay sa pag-arte at pagiging isa sa mga nangungunang leading ladies ng kanyang henerasyon. Ipinanganak noong Marso 26, 1996, siya ay nakilala sa kanyang pagganap bilang Mara sa remake ng teleseryeng “Mara Clara” noong 2010-2011.
Mas lalo siyang sumikat nang maging bahagi siya ng tambalang KathNiel kasama si Daniel Padilla. Ilan sa kanilang mga pinakasikat na proyekto ay ang teleseryeng “Princess and I”, “Got to Believe”, “Pangako Sa’yo”, at “La Luna Sangre”.
Bumasaga ng rekord ang “Hello, Love Again” dahil sa napakalaking tagumpay ng pelikula. Una, nalampasan nito ang “Rewind” bilang pinakamalaking kinita ng isang pelikulang Pilipino sa kasaysayan. Ngayon, ito ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na umabot sa mahigit P1 bilyon ang kabuuang kita.
Samantala, nagbahagi si Alden Richards ng ilang nakakakilig na litrato kasama si Kathryn Bernardo habang sila ay nasa Calgary, Canada. Sa parehong post, nag-iwan siya ng mensahe ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanilang pelikulang “Hello, Love, Again.”
News
OFFICIALLY REVEALED! Julia Montes and Coco Martin Introduce Their Daughter to the Public — “She’s Coco’s Girl Version!”
Sa wakas, ang pinakaaabangang rebelasyon ng taon ay nangyari na! Julia Montes at Coco Martin, ang long-rumored reel-to-real couple ng…
Kim Chiu Muntik Madisgrasya Sa Block Screening Ng Sariling Pelikula
Isang insidente ng aksidente ang muntik magdulot ng panganib sa buhay ng “Asia’s Superstar” at “Queen of Good Vibes”…
NAIBUNYAG NA! Priscilla Meirelles, Emosyonal na Inamin ang Matagal na Itinatagong Lihim Kay Janice De Belen—May Kinalaman Kay John Estrada?!
Nagulat ang publiko nang sa wakas ay binasag ni Priscilla Meirelles ang katahimikan tungkol sa matagal nang usap-usapan—ang tunay na…
Nakakalokang Balita: Bumalik ang Hangin at Alon! Nagulat si Maricar Reyes Sa Paglalantad Ng Madilim na Katotohanan Sa Likod Ng Video Kasama si Hayden Kho
Isang malaking kontrobersiya ang muling umalingawngaw sa mundo ng showbiz matapos maglabas ng matinding rebelasyon si Maricar Reyes. Matapos ang…
MATAPANG NA INAMIN ni Ryan Agoncillo ang DAHILAN at KATOTOHANAN SA LIKOD NG hiwalayan niya kay Judy Ann Santos! Kawawa naman ang mga netizens (TR)
Matapos has been considered one of the most stable couples in Philippine showbiz for many years, Ryan Agoncillo suddenly shocked…
Shocking Moment! EA Guzman Ipinakita ang Likod sa Publiko — Shaira Diaz, Napareact ng Matindi!
Nagulantang si Shaira Diaz, host ng “Unang Hirit” at Kapuso actress, sa isang nakakagulat na ginawa ng kaniyang fiancé na…
End of content
No more pages to load