It was Andrea who confessed to Kathryn about cheating with Daniel.
Kathryn Bernardo (left) heard it straight from Andrea Brillantes (right), who confessed that she and Daniel Padilla (center) cheated on her, say PEP sources
Ang mapatunayang nagkaugnayan sina Daniel Padilla at Andrea Brillantes ang nag-udyok kay Kathryn Bernardo upang makipaghiwalay sa nobyo ng 11 taon.
Ito ang sinasabing last straw para kay Kathryn.
Sinasabi ring mismong si Andrea ang nagkumpisal kay Kathryn.
Ito ang impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa iba-ibang trusted sources na malapit sa couple na binansagang KathNiel.
Hiwalay na sina Kathryn at Daniel noon pang dumalo sila sa ABS-CBN Ball noong September 30, 2023.
Dalawang buwan ding inililihim ng couple ang breakup.
KATHRYN HEARS ANDREA’S CONFESSION
Paano naman nangyari ang pag-amin ni Andrea kay Kathryn?
Bago ang breakup ng KathNiel, ayon sa di kukulanging apat na sources ng PEP.ph, personal na nagharap sina Kathryn at Andrea.
Ayon pa rin sa trusted sources, si Andrea ang nag-reach out.
Tinawagan daw ni Andrea si Kathryn sa telepono at sinabing gusto niyang makausap si Kathryn “in person.”
“Pinagbigyan ni Kathryn,” sabi ng Unang Source.
Madaling-araw na at “lasing” daw si Andrea nang magtungo sa office/studio ni Kathryn sa Quezon City.
Dito na raw isiniwalat ni Andrea ang tungkol sa pagtatagpo nila ni Daniel.
Pagpapatuloy ng Unang Source: Nagtagpo ang dalawa sa bahay ni Daniel noong November 2021, kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng ina ng aktor na si Karla Estrada.
Magkatabing properties ang lugar ng mag-inang Daniel at Karla, ngunit magkahiwalay ang kanilang mga bahay, at hindi raw alam ni Karla ang pagtagpo nina Daniel at Andrea.
Noong panahong iyon, si Kathryn ay 25, si Daniel ay 26, at si Andrea ay 18.
Hindi malinaw hanggang ngayon kung ano ang intensiyon ni Andrea nang maglakas-loob itong umamin kay Kathryn tungkol sa pribadong pagtatagpo nila ni Daniel.
Nang magkita sila ni Kathryn, pinabasa rin ni Andrea kay Kathryn ang palitan nila ni Daniel ng messages sa cellphone.
Sa sariling salita ng Unang Source: “Pinakita ni Andrea kay Kath lahat ng landian nila ni DJ sa text.”
Kasama raw sa pinabasa ni Andrea kay Kathryn ang mensahe mula kay Daniel na nagsasabing, “Ayusin mo yan.”
Sa paliwanag ng Unang Source, iyon daw ang sagot ni Daniel nang magsumbong si Andrea na may ibang nakaalam sa kanilang ugnayan, ilang araw lamang mula nang magsama sila sa bahay ng aktor.
Ang sinasabing ibang nakaalam ay ang noo’y boyfriend ni Andrea na si Seth Fedelin.
Ayon pa rin sa Unang Source, nang magkaroon ng ugnayan sina Daniel at Andrea Nobyembre ng 2021, nasa “cool-off” period sina Andrea at Seth dahil sa away-magkasintahan.
Natuloy sa breakup ang cool-off na ito nang mahuli raw ni Seth ang palitan ng text messages nina Andrea at Daniel.
Sinabi pa ng Unang Source na “may resibo si Seth” ng palitang ito, kaya hindi raw ito basta mapapaniwala ng kung anong ibang eksplanasyon.
News
Watch Now: Kathryn Bernardo Can’t Hold Back Tears as She Shares Her ‘Secret’ Past Struggles and Her Emotional Revelation
Kathryn Bernardo Emotionally Reflects on Past Struggles During Star Magic Contract Renewal Kathryn Bernardo, a prominent figure in the entertainment industry, recently experienced a poignant moment during her contract renewal ceremony with ABS-CBN’s Star Magic. The event, held on…
BREAKING NEWS: Kathryn Bernardo has appeared in the role of “forbidden fruit” for eight years in Endless Love
ON THIS DAY: Kathryn Bernardo appeared eight years ago in ABS-CBN and GMA-7 shows Remember when Kathryn Bernardo became a Kapuso and Kapamilya on the same day? Eight years ago today, June 28, Kathryn Bernardo appeared on both ABS-CBN and…
Aww! Alden Richards Surprised Kathryn Bernardo for Her Birthday With a Gift From Baccarat
Alden arrived at the party with a grand bouquet of roses and a bag from luxury house Baccarat! Kathryn Bernardo‘s birthday season is not yet over! After a sun-filled birthday bash at El Nido, Palawan last week, Kath’s glam team threw her a surprise…
SHOCK: Kim Chiu Nagbunyag ng Kanyang Boyfriend na Nagdulot ng Kasiyahan sa mga Tagahanga
Sa isang labis na inaasahang pag-anunsyo, si Kim Chiu, isa sa mga pinakamamahal na aktres sa Pilipinas, ay tuluyan nang nagbukas tungkol sa kanyang buhay pag-ibig, kinumpirma na siya ay may karelasyon. Matapos ang ilang taon ng pagtatago sa kanyang…
Vice Ganda Slams Kuya Kim Atienza Over Karylle Issue
TV host Vice Ganda has slammed former It’s Showtime host Kuya Kim Atienza for capitalizing on Vice and Karylle’s controversy. Vice has spoken out about her “disrespectful” treatment of Karylle when the singer tried to joke about Vhong Navarro. Vice…
Gillian Vicencio is the REAL reason behind KathNiel’s breakup?
Gillian Vicencio Breaks Her Silence On Issue Linking Her To Daniel Padilla PHOTO: (LEFT TO RIGHT) Instagram/_gillianvicencio, Instagram/supremo_dp Months after their breakup, social media is still full of theories concerning the *real reason* of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla’s fallout. Other people…
End of content
No more pages to load