Wala namang binanggit na pangalan si Chie Filomeno, basta’t nag-hello lang siya sa lahat, “except sa mga ayaw masira IG feed nila”.
Wala namang binanggit na pangalan si Chie Filomeno, basta’t nag-hello lang siya sa lahat, “except sa mga ayaw masira IG feed nila”.
Affected much ang fans ni Nadine Lustre sa isang tweet ni Chie.
Matapos kasing manawagan si Angel Locsin sa mga nananahimik na Kapamilya artists hinggil sa panggigipit sa ABS-CBN, ginatungan ito ni Chie sa pagsasabing, “Hello sa inyong lahat except sa mga ayaw masira IG feed nila, alam na tinatarantado tayo pero tahimik pa din hanggang ngayon at higit sa lahat walang utang na loob. Ang matamaan sana magkabukol.”
Hello sa inyong lahat except sa mga ayaw masira IG feed nila, alam na tinatarantado tayo pero tahimik pa din hanggang ngayon at higit sa lahat walang utang na loob. Ang matamaan sana magkabukol ☺️♥️
— Chienna Filomeno (@ChieFilomeno) July 19, 2020
Kaya lang, imbes na mga kapwa artista ang tamaan, fans ni Nadine ang nabukulan!
Isa si Nadine sa mga artistang may well-maintained feed goals at dahil puro sa IG stories ang hanash ng kanilang idol, na-feel siguro ng fans na si ‘president’ ang pinatatamaan ni Chie na ayaw magalaw ang feed.
pag inggit, pikit pic.twitter.com/HNg7zgwMrW
— lex; (@jayedinebb) July 19, 2020
Pero si Nadine nga ba, Chie? MGA, wag butthurt. MGA, marami. Ayusin ang reading comprehension. This is not the time para TUMAHIMIK, ipaglaban kung ano ang tama pakiusap. Good night po ☺️♥️