May pasabog si Paulo Avelino matapos niyang aminin na may nabuo palang ‘something’ sa kanila ni Janine Gutierrez.

May pasabog si Paulo Avelino matapos niyang aminin na may nabuo palang ‘something’ sa kanila ni Janine Gutierrez.

Sa press conference ng ‘Marry Me, Marry You’, nilantad ni Paulo na dati pala ay nagde-date silang dalawa.

Sey ni Paulo,”Alam ko itatanggi na naman ako ni Janine. Lumabas na kami dati, hindi lang natuloy.”

Pag-amin pa ng aktor, kung sakaling single silang pareho ay okay lang na muli silang mag-date.

Depensa naman ni Janine, never niya raw dineny na lumabas siya kasama si Paulo.

Ngunit hindi siya nakalusot dahil alalang-alala pa ni Paulo kung paano siya dineny ni Janine.

“Sinabi ko nag-date kami ni Janine dati tapos sabi niya, ‘Hindi ah, nag-hang out lang tayo.’ So parang nasaktan ako kasi hang out lang pala yung dalawang beses tayo lumabas,” giit ng aktor. (Mark Patriarca)