Photo of KathNiel and the statement

Nakiusap ang ABS-CBN management sa publiko na irespeto ang naging desisyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para makatulong sa mabilis nilang pagmu-move on.

Naglabas ang ABS-CBN ng statement ngayong December 2, 2023 tungkol sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ang pahayag ay isinulat sa wikang Pilipino at Ingles.

Photo of the statement

Matatandaan na ang dating magkasintahan ay nagpahayag ng pagtatapos ng kanilang 11 years na relasyon sa kani-kanilang Instagram account noong November 30.

Photo of the statement

Ayon sa ABS-CBN, nirerespeto at nauunawaan ng management at Star Magic ang naging desisyon nina Kathryn at Daniel na maghiwalay na.

Hiniling din ng ABS-CBN na irespeto ang naging pahayag ng dating magkasintahan.

Photo of KathNiel

Pakiusap pa ng ABS-CBN, “Huwag na nating dagdagan, bigyan ng ibang kahulugan, o gawan ng kuwento at fake news.

“Wala sa kanila ang nagbigay ng interview o bagong statement dahil nasabi na nila ang kanilang saloobin sa kanilang social media accounts.”

Makatutulong din umano kina Kathryn at Daniel kung igagalang ang naging desisyon ng mga ito sa kanilang pagmu-move on mula sa breakup.

Pagtitiyak naman ng ABS-CBN, “Mananatili ang taos-pusong suporta at pagmamahal ng ABS-CBN Management at ng Star Magic kina Kathryn at Daniel.”