Robi Domingo fiancée diagnosed with rare autoimmune disease

Robi: “Maiqs, whatever happens, I choose you.”



Maiqui Pineda diagnosed with rare autoimmune disease

Robi Domingo (right) assures fiancée Maiqui Pineda (left), “Whatever happens, I choose you.” Maiqui recently revealed that she has been diagnosed with dermatomyositis, a rare autoimmune disease. 

Hindi napigilang maging emosyunal ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN nitong nakaraang Biyernes, August 4, 2023.

Ayon kay Robi, malaki ang utang na loob niya sa Kapamilya Network na nagsilbi niyang pangalawang tahanan magmula nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother (PBB) noong 2018.

Nagpadagdag pa sa bugso ng kanyang emosyon ang kasalukuyang pinagdaraanan ng fiancée niyang si Maiqui Pineda.

Na-diagnose kasing may sakit na dermatomyositis—isang rare autoimmune disease—si Maiqui at kasalukuyang nasa ospital.

Sa pamamagitan ng isang post sa Instagram, ibinahagi ni Robi ang tila roller coaster niyang emosyon nang pumirma siya ng kontrata sa kanyang home network.

Kalakip pa nito ang mga kuha niyang mga litrato sa naganap na contract signing.

Mababasa sa post ni Robi, “What an emotional day.

“This moment has given me a deeper appreciation of what it is to be a KAPAMILYA.

“I just couldn’t stop thinking about my fiancé and her condition while signing this contract.

“There has been that tug-of-war of feelings so maybe that’s why the flood gates just kept pouring.

Hindi rin nakaligtaang pasalamatan ni Robi ang ABS-CBN sa pagbibigay tiwala sa kanya maging ang kanyang fiancée.”

Aniya, “Thank you to ABS-CBN for keeping me home and choosing me. I am at my best because of you.”

“Maiqs, whatever happens, I choose you. Can’t wait to sign our [marriage] contract.”

Read more about

Maiqui Pineda
autoimmune disease
Robi Domingo
dermatomyositis

MAIQUI WAS DIAGNOSED WITH RARE AUTOIMMUNE DISEASE

Noong August 3, 2023, isinapubliko ni Maiqui ang kanyang kakaibang sakit sa pamamagitan ng isang blog at Instagram post.

Pagbabahagi niya, ngayong taon sana sila magpaplano ni Robi para sa kanilang kasal matapos nilang ma-engage noong November 4, 2022, ngunit tila hindi na raw ito matutuloy dahil sa kanyang pagkaka-ospital.

Read: Robi Domingo now engaged to Maiqui Pineda

Saad niya, “What was supposed to be an exciting year of wedding planning, preparing for a new home and working on my career, life had other plans for me… I got sick.

“I have a rare autoimmune disease called Dermatomyositis that causes muscle weakness, inflammation and a skin rash.”

Kuwento pa ni Maiqui, April 2023, nang magsimulang lumabas ang mga sintomas ng kanyang sakit.

Nagsimula raw ito sa panunuyo ng kanyang balat, pagkakaroon ng skin rashes, pananakit ng kanyang kasu-kasuan, at madalas na pagkapagod.

Dahil dito, minabuti na raw niyang magpa-test at dito niya natuklasang positibo siyang may dermatomyositis.

CONTINUE READING BELOW ↓

Do CJ Navato, Gabb Birkin, Reiven Umali know their Kapamilya teleseryes? | PEP Pop Quiz

Ayon sa Mayo Clinic, ang sakit na dermatomyositis ay isang “uncommon inflammatory disease marked by muscle weakness and a distinctive skin rash.

Bagamat wala pang lunas ang sakit na ito, “periods of symptom improvement can occur.”

Saad ni Maiqui, “I already started treatment but the journey to recovery is far from over. There are good days but there are still bad days.

“I am hopeful that this is just temporary and I will work on getting better one day at a time.”

Sa huli, nagpasalamat si Maiqui sa lahat ng mga nagpaabot ng dasal sa kanyang agarang pagrecover

Aniya, “Thank you to everyone who sent prayers and messages of love and support! It meant a lot to me.”