Lotlot de Leon defends her daughter, Janine Gutierrez, from negative comments after Janine’s controversial tweet about Sen. Bong Revilla’s TV comeback.
PHOTO/S: @ms.lotlotdeleon / @janinegutierrez on Instagram
Ipinagtanggol ni Lotlot de Leon ang anak na si Janine Gutierrez mula sa bashers at negative comments na natanggap nito.
Ito ay matapos na mag-tweet si Janine noong December 18 tungkol sa bagong show ng senador na si Bong Revilla na Agimat ng Agila.
Nag-quote si Janine ng isang tweet mula sa GMA-7 na naglalaman ng artikulo tungkol sa pagbabalik-telebisyon ni Bong.
Caption naman ni Janine sa kanyang tweet, “Oh God.”
Bagamat maraming natanggap na paghanga si Janine sa tweet niyang ito ay mayroon ding hindi sumang-ayon sa kanyang reaksyon, kabilang na ang manager ni Bong na si Lolit Solis.
Pansamantalang natigil ang showbiz career ng senador nang maakusahan itong nagbibigay ng kanyang pork barrel sa bogus nongovernmental organizations na nauugnay sa itinuturong scam mastermind na si Janet Napoles.
Sinampahan si Bong, kasama sina Senador Jinggoy Estrada at Senador Juan Ponce Enrile, ng kasong plunder.
Nung Disyembre 2018, inabsuwelto ng anti-graft court na Sandiganbayan si Bong sa kasong plunder matapos na makulong ng apat na taon. Inutusan siya ng korte na ibalik ang PHP124.5 million sa Philippine Treasury, pero hindi niya ito ginawa.
Muling naging senador si Bong nang manalo ito sa eleksyon ngayong taon.
LOTLOT DE LEON DEFENDS JANINE
Sa isang Instagram post ni Lotlot noong Biyernes, December 20, ikinuwento niya kung paano siyang nagdalawang-isip nang unang beses siyang lapitan ni Janine para sabihing gusto nitong mag-artista.
Ayon kay Lotlot, may mga pagkakataong “harsh” ang showbiz industry, lalo na sa pagbibigay ng opinyon.
Saad ni Lotlot sa kanyang post (published as is), “When she came to me after college and said, ‘Mama gusto kong mag-try mag-artista’, I asked her, ‘Are you sure?’
“I asked her that question not because wala akong bilib sa kanya o sa kakayahan niya, but because I was afraid that this industry that I have grown up into can be very harsh sometimes.
“Andyan yung pag nagsalita ka kesehodang maganda intention mo nagiging mali pa din para sa iba. Pag nasa industriya ka kailangan maging handa ka sa lahat ng pagbabatikos at sari-saring opinyon.
“When you’re in this industry puwede ka kaagad mahusgahan ng hindi ka natatanong kung bakit may nasabi ka o nagawa ka. Everyone else can give their opinions and share how they feel pero dahil artista ka may hangganan ang pagbibigay mo nun. Medyo unfair. Hehehe!”
Dagdag ni Lotlot, gusto lang niyang protektahan si Janine kaya halos ayaw niyang payagan ang anak na mag-artista noon.
Subalit hindi naman daw niya mapipigilan si Janine sa kung anong gusto nitong gawin, lalo na’t nagpahayag ang kanyang anak na handa nitong tanggapin ang downside ng pagiging artista.
Patuloy ng 48-year-old actress, “And because of all these reasons, half of me wanted to say no because as a mom ayoko siyang masaktan. I want to protect my daughter from all of that. Di baleng ako na lang ang sabihan ng masasakit, tawagin ng kung anu-ano huwag lang siya.
“On the other hand I can’t stop her from what she wants for herself, for living her dreams, for proving herself and giving her a chance to go after that. What I saw in Janine’s eyes and felt when we had that conversation that day is that she was willing to learn and ‘accept everything’ that comes with being an artist and be the best version she can be in this profession that she has chosen.
“That’s why I said yes. Buong puso kong maipagmamalaki that I have raised a daughter that is very respectful, level-headed, smart, humble and willing to take risks when needed.
“Bilang magulang andito lang ako nakatanaw and praying with all my heart that she will achieve everything that she has only prayed for.
“In the many years that I have also been in this industry at sa lahat ng nakita at napagdaanan ko, I have also learned to choose my battles, hindi lahat pinapatulan, sinasagot at pinapalaki.
“At the same time I have also learned that it’s okay to say what you feel, to give your opinion and to be heard. Hindi kabawasan ng pagkatao yun lalo na kung nasa tama naman. These are all the things that I have learned.”
Sa huli ay nag-iwan ng maikling mensahe si Lotlot para kay Janine. “Babe, I love you. Just Continue with all the hard work and keep on swimming.”
LOLIT SOLIS’s POST ABOUT JANINE
Pagkatapos ng tweet ni Janine noong December 18 ay nag-react ang manager ni Bong na si Lolit Solis sa pamamagitan ng kanyang Instagram account noong Biyernes, December 20.
Sa umpisa pa lang ng post ni Lolit ay nagpahayag na siya na hindi niya nagustuhan ang reaksyon ni Janine sa pagbabalik-telebisyon ni Bong.
Saad ni Lolit (published as is), “Siguro gusto ni Janine Gutierrez na mapansin ko siya Salve. The nerve na mag-negative comment siya sa TV comeback ni Bong Revilla.
“How can she be so cruel for a second chance to a co actor like Bong without even thinking if not for the goodness of people she won’t be where she is today.”
Nabanggit din ni Lolit sa kanyang post si Lotlot at ang adoptive mother nitong si Nora Aunor.
Patuloy ni Lolit, “Alam naman niya siguro ang history ng nanay niyang si Lotlot de Leon. Sa kabutihan ng pamilya ni Nora Aunor, pinalaki at inalagaan siya, at nagkaroon ng anak na Janine Gutierrez na niyakap din at minahal ng showbiz.
“Dapat sa mga pagkakataon gusto niya magbigay opinyon, nandun ang pang-unawa at respeto, dahil kaibigan ng lolo niyang si Christopher de Leon si Bong Revilla.
“I respect what she feels, or her political beliefs, pero sana inisip niya more than anyone else, siya dapat ang mas maging magaan sa pagbibigay chance sa isang tao na gusto bumalik sa pinanggalingan niyang mundo.
“Buti na lang isa lang talent ng GMA si Janine Gutierrez, just imagine kung siya ang may-ari ng network, hindi pala niya bibigyan ng trabaho si Bong Revilla. Hindi siya papayag na ampunin ang isang gusto magkarun ng trabaho.
“Buti na lang at hindi siya naging box office queen na sana makatulong para sa career ni Bong, dahil wala pa naman ako narinig na naging blockbuster movie niya, or tv show na naging sobra ang taas ng rating, kaya hindi din siya makakatulong sa career ni Bong Revilla.
“A piece of advice Janine Gutierrez, sana maging maligaya ang lovelife mo para mas maging mabuti ang puso mo. Love thy neighbor, dahil kundi sa kanila hindi ka naging Janine Gutierrez.
“Sayang, love pa naman kita, now takot na ako dahil baka maging judgemental at I am cleaner than you are attitude ka rin sa akin dahil sa mga nagawa kong pagkakamali, you will never give me a second chance. Hoping you will do well, kumita at mag rate mga ginagawa mong project. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako”
Sa ngayon ay naka-off na ang comments section ng kanyang Instagram post.
CELEBRITIES SHOW SUPPORT FOR JANINE
Bago pa man na-turn off ni Lolit ang comments section ay may nakapag-screenshot na ng iniwang comment ng aktres na si Sandy Andolong sa kanyang post.
Si Sandy ay asawa ni Christopher de Leon, na adoptive father ni Lotlot at lolo ni Janine.
Sabi ni Sandy sa kanyang comment, “Nay please, I know Janine to be a very good, loving, kind & respectful girl. She was brought up well by both her parents.
“I’m pretty sure she had no intention of coming on too cruel or harsh with her comment/opinion.
“Belittling her is unnecessary. Hinay-hinay lang Nay. Puso mo, bawal tumaas ang BP. Love, love, love, sabi nga ni @krisaquino”
Marami ring celebrities ang nag-retweet sa post ni Janine at nagpahayag ng suporta sa aktres, kabilang na sina Frankie Pangilinan, Ivan Dorschner, at Jim Paredes.
Muli ring nag-post si Lolit sa kanyang Instagram account kung saan nag-sorry siya kay Lotlot.
Ayon pa sa kanya, wala raw siyang intensyong maliitin si Janine sa kanyang naunang Instagram post.
“I know iyon feeling ni Lotlot de Leon, Salve, sa IG post ko about Janine Gutierrez. Iyon exactly ang naging feeling ko nang mabasa ko ang bashing kay Bong Revilla after ng reaction ni Janine na OMG at di ko kaya besh.
“I don’t intend to belittle, dishonor Janine, dahil like what Sandy de Leon said, mabait, magalang, at lumaking dalaga na ipagmamalaki ng kahit sinong magulang. In fact, sinulat ko nun how I admire Lotlot sa pagpapalaki ng mga anak niya.
“Lagi kong sinasabi, iyon mga bashing sa akin at halos pagmumura na ng iba, OK lang, natatawa pa nga ako kung minsan dahil I find it funny reading comments na masama from people I don’t even know.
“I cannot be judgemental in the sense na ang dami ko rin palpak na ginawa, mga kasalanan, o mga bagay na dapat hindi ko ginawa. If I write or opinionate, dahil writer ako, dahil iyon feeling ko, pero I find it out of bound kung kasamahan kong writer ang sisiraan ko.
“Kaya iyon din ang paniwala ko sa artista, puwede sila magalit sa writer, magsalita, pero pag kapwa nila artista dapat maingat sila. Iyon bang kapwa ko artista ito, kapatid ko ito, dapat tulungan kami, dapat kampi kami.
“Kung mali ako dun, sorry. As I want people to respect my opinion, I will also respect theirs. At tulad ni Lotlot de Leon na nasaktan dahil sa anak niya na si Janine Gutierrez, para din akong isang ina kay Bong Revilla na nasaktan din.
“But now, at least I know na never matatanggap ni Janine Gutierrez si Bong Revilla. I respect that, I admire her for being open with her feelings. Sorry Lotlot. Case closed.”
News
Ogie Diaz shocks the public with his controversial statements regarding Kris Aquino’s death, leaving fans in awe.
Kris Aquino Death Hoax: Ogie Diaz Says “Huwag magpakalat” Ogie Diaz clarified these fake posts about Kris Aquino A social…
GRETCHEN BARRETTO TAKES THE WORLD BY SURPRISE, REVEALS ATONG ANG’S SECRET LIFE…(VIDEO)
Gretchen Barretto, Isiniwalat na ang Bahay ni Atong Ang! Sa isang kamakailang panayam, nagbigay si Gretchen Barretto ng mga detalye…
Just Now! JAMES YAP, Dinalaw Ang Ex-wife! || KRIS AQUINO, Napaluha ng sobra!🥺❤️
Breaking News: James Yap Pays Emotional Visit to Ex-Wife Kris Aquino, Moves Her to Tears In a poignant turn of…
Ryzza Mae Dizon INALIS NA sa Eat Bulaga, KUKUNIN ni Vice Ganda sa ITS SHOWTIME!
Isang malaking balita ang kumalat sa mundo ng telebisyon nang lumabas ang impormasyon na si Ryzza Mae Dizon, ang kilalang…
Andrea Brillantes SPOKE OUT AND CONFESSED HER RELATIONSHIP WITH Daniel Padilla!
In an exclusive revelation that has sent shockwaves through the entertainment world, Andrea Brillantes has finally confirmed her relationship with…
SHOCKING: Gretchen Barretto Unexpectedly “EXPOSES” SECRET RELATIONSHIP Who is her “CHILD” with ANG? (VIDEO)
Philippine showbiz was once again shaken when the name **Gretchen Barretto** suddenly became the center of unbelievable rumors. This time,…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply