It was Andrea who confessed to Kathryn about cheating with Daniel.


KathNiel breakup: Andrea Brillantes confessed to Kathryn Bernardo cheating incident with Daniel Padilla
Kathryn Bernardo (left) heard it straight from Andrea Brillantes (right), who confessed that she and Daniel Padilla (center) cheated on her, say PEP sources

Ang mapatunayang nagkaugnayan sina Daniel Padilla at Andrea Brillantes ang nag-udyok kay Kathryn Bernardo upang makipaghiwalay sa nobyo ng 11 taon.

Ito ang sinasabing last straw para kay Kathryn.


Sinasabi ring mismong si Andrea ang nagkumpisal kay Kathryn.

Ito ang impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa iba-ibang trusted sources na malapit sa couple na binansagang KathNiel.

Hiwalay na sina Kathryn at Daniel noon pang dumalo sila sa ABS-CBN Ball noong September 30, 2023.

Dalawang buwan ding inililihim ng couple ang breakup.

KATHRYN HEARS ANDREA’S CONFESSION

Paano naman nangyari ang pag-amin ni Andrea kay Kathryn?

Bago ang breakup ng KathNiel, ayon sa di kukulanging apat na sources ng PEP.ph, personal na nagharap sina Kathryn at Andrea.



Ayon pa rin sa trusted sources, si Andrea ang nag-reach out.

Tinawagan daw ni Andrea si Kathryn sa telepono at sinabing gusto niyang makausap si Kathryn “in person.”

“Pinagbigyan ni Kathryn,” sabi ng Unang Source.

Madaling-araw na at “lasing” daw si Andrea nang magtungo sa office/studio ni Kathryn sa Quezon City.

Dito na raw isiniwalat ni Andrea ang tungkol sa pagtatagpo nila ni Daniel.

Pagpapatuloy ng Unang Source: Nagtagpo ang dalawa sa bahay ni Daniel noong November 2021, kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng ina ng aktor na si Karla Estrada.


 

Magkatabing properties ang lugar ng mag-inang Daniel at Karla, ngunit magkahiwalay ang kanilang mga bahay, at hindi raw alam ni Karla ang pagtagpo nina Daniel at Andrea.

Noong panahong iyon, si Kathryn ay 25, si Daniel ay 26, at si Andrea ay 18.

Hindi malinaw hanggang ngayon kung ano ang intensiyon ni Andrea nang maglakas-loob itong umamin kay Kathryn tungkol sa pribadong pagtatagpo nila ni Daniel.

Nang magkita sila ni Kathryn, pinabasa rin ni Andrea kay Kathryn ang palitan nila ni Daniel ng messages sa cellphone.

Sa sariling salita ng Unang Source: “Pinakita ni Andrea kay Kath lahat ng landian nila ni DJ sa text.”

Kasama raw sa pinabasa ni Andrea kay Kathryn ang mensahe mula kay Daniel na nagsasabing, “Ayusin mo yan.”



 

Sa paliwanag ng Unang Source, iyon daw ang sagot ni Daniel nang magsumbong si Andrea na may ibang nakaalam sa kanilang ugnayan, ilang araw lamang mula nang magsama sila sa bahay ng aktor.

Ang sinasabing ibang nakaalam ay ang noo’y boyfriend ni Andrea na si Seth Fedelin.

Ayon pa rin sa Unang Source, nang magkaroon ng ugnayan sina Daniel at Andrea Nobyembre ng 2021, nasa “cool-off” period sina Andrea at Seth dahil sa away-magkasintahan.

Natuloy sa breakup ang cool-off na ito nang mahuli raw ni Seth ang palitan ng text messages nina Andrea at Daniel.

Sinabi pa ng Unang Source na “may resibo si Seth” ng palitang ito, kaya hindi raw ito basta mapapaniwala ng kung anong ibang eksplanasyon.