Ogie Diaz, Kinumpirma Ang Hiwalayan Nina Xian Lim at Kim Chiu, Isiniwalat ang Totoong Dahilan
Ibinunyag ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz ang nakarating sa kanya na dahilan ng hiwalayan nina Xian Lim at Kim Chiu matapos ang 12 years nilang relasyon.
Sa kamakailang episode ng showbiz oriented vlog nina Ogie Diaz, isiniwalat nito ang kumpirmasyon sa bali-balitang naghiwalay na ang celebrity couple na sina Xian Lim at Kim Chiu.
Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz, isang kaibigan niya ang nagsabi sa kanya sa sitwasyon nina Kim Chiu. Hindi pa lamang umano ito maamin ng Kapamilya actress-host dahil hanggang ngayon ay pinoproseso pa umano ng aktres ang sarili dahil sa biglaang break up nila.
Hindi pa umano ito maamin ni Kim Chiu dahil pinoproseso pa niya ang lahat lalo na’t inamin naman ni Kim Chiu noon na kapag siya ang nagmahal ay ibinubuhos niya ang lahat. Dahil ayaw umano niya na dumating ang araw na kukwestyunin siya ng lalaki o ninuman na may itotodo pa pala ang kanyang pagmamahal bakit hindi pa nito ibinigay ang lahat.
Ibinahagi ni Ogie Diaz na wala naman umanong third party sa hiwalayan nila ang naging problema lamang ay ang kawalan ng plano ni Xian Lim sa relasyon nila ni Kim. Lumalabas na wala umano sa mga priority ni Xian Lim si Kim Chiu.
Naitanong naman ni Mama Loi kung kailan pa naghiwalay ang dalawa, na kaagad namang sinagot ni Ogie Diaz na nauna lamang ng kaunti sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga ito dahil magdadalawang buwan pa lamang na hiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim.
Dagdag pang pahayag ni Ogie Diaz, tila naghihintay na lamang si Kim Chiu ng proposal mula kay Xian Lim dahil 12 years na rin naman ang kanilang relasyon at nasa tamang edad na sila para magpakasal.
Ipinahayag rin ni Ogie Diaz na nagsilabasan lamang ang mga isyu ng mga babaeng nalilink kay Xian Lim nang matapos na ang hiwalayan nila ni Kim Chiu kaya naman hindi ito maituturing na third party.
Sa kabilang banda, naging malaking tulong umano para sa mga pinagdadaanan ngayon ni Kim Chiu sa hiwalayan nila ni Xian Lim ang kanyang It’s Showtime family dahil sa mga pagdamay ng kanyang mga co-host. Nakakangiti rin umano sa studio si Kim dahil kabilang sa kanilang trabaho roon ang pagbibigay ng saya.
Ito rin marahil ang dahilan kung bakit naging laman ng pagbibiro ni Vice Ganda si Kim Chiu lalo na kapag napapansin ng Unkabogable Star na nagsisimula na itong maging emosyunal.
Samantala, makikita ngayon sa YouTube channel ni Xian Lim na binura na nito ang mga vlogs nila ni Kim Chiu na magkasama, isang video na lamang ang natira sa kanyang channel at dalawang shorts na hindi naman niya kasama si Kim Chiu.
Kung pagbabasehan naman ang mga nalilink ngayong babae kay Xian Lim, mahihinuhang nag-uumpisa na itong magmove on habang ang actress-host ay pinoproseso pa ang nangyari sa kanilang dalawa.
Bumuhos naman ngayon ang mga mensahe ng pagsuporta kay Kim Chiu mula sa kanyang mga fans. Naniniwala sila na malalampasan rin ni Kim Chiu ang lahat at makakatagpo rin ito ng lalaking handa siyang pakasalan at siya ang magiging una sa mga priority nito.
News
Nagulat ang online community nang ihayag ni Karla Estrada na magkakabalikan si Kathryn kay Daniel Padilla, hindi ito nagustuhan ng mga fans… (TR)
Karla Estrada Ibinunyag Na Pumayag Si Kathryn Na Muli Silang Magkaayos Ni Daniel Padilla Muling naging laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa pagbabalikan ng dating celebrity couple na sina Kathryn Bernardo…
Kathryn Bernardo Bares Her Emotions in ‘Hello, Love Again’ Scene: ‘Kumusta Kaya Papa Ko?’ Is She Nervous About Her Dad’s Reaction to Some Scenes (TR)
Kinagiliwan ng marami ang video ni Kathryn Bernardo na agad pumunta sa kanyang pamilya partikular na sa kanyang ama sa premiere ng pelikula nilang Hello Love Again. Kathryn Bernardo sa isang eksena sa ‘Hello, Love Again: “Kumusta kaya Papa ko”…
Kathryn Bernardo at Julia Montes, May Lihim na Pagkikita? Coco Martin, Sumama Rin Kay Julia! (TR)
starsphotog517/starsphotog517 on TikTok Source: TikTok Kathryn Bernardo and Julia Montes reunited at the premiere night of Kathryn’s movie ‘Hello, Love Again.’ Julia attended the event with ‘FPJ’s Ang Batang Quiapo’ lead star, Coco Martin. Fans may remember that Kathryn and…
KANINO KAYA? Kathryn Bernardo confesses to Tito Boy that she’s ready to love again! But the big question is… Alden or Daniel? (TR)
Nagpaulan ng intriga at kilig ang isang eksklusibong panayam ni Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda kamakailan lamang. Sa naturang panayam, naging bukas si Kathryn tungkol sa kaniyang mga nararamdaman at planong muling magmahal. Ngunit ang tanong ng lahat: Si…
Kim Chiu Ibinuking Ni Vice Ganda Sa Huling Manliligaw, Si Paulo Avelino Ang Nasa Isip!
Sa tuwing may pagkakataon, hindi pinalalampas ni Vice Ganda ang pagkakataong asarin si Kim Chiu. Sa isa nanamang episode ng kanilang programa na It’s Showtime, si Kim Chiu ang muling napagtuunan ng pansin ni Vice Ganda. Sa simula pa…
Dingdong Dantes Shocked as Karylle Reveals Their Past Secrets… Leaving Marian Rivera Devastated!
Karylle finally opens up about past relationship with Dingdong Dantes; refuses to admit real score with Yael Yuzon Karylle likens Dingdong to “tamilok,” a woodworm or mollusk. Karylle on surviving her breakup with Dingdong Dantes: “Actually, everything’s in the past….
End of content
No more pages to load