Dedma sa poise at pagiging glamorosa! Marian Rivera nagtitili nang makita si Pokwang sa GMA Gala

Dedma sa poise at to the highest level ang tili ng kasiyahan ni Marian Rivera nang makita ang friend niyang si Pokwang sa nakaraang GMA Gala.

Napakasarap talagang kaibigan ng isang Marian Rivera na hindi talagang inalintana at kinalimutan ang poise nang tumili sa saya matapos makita si Pokwang.

Sina Pokwang at Marian ay naging close sa sitcom nilang ‘Jose & Maria’s Bonggang Villa.’

Sa kumalat na video na kuha sa GMA Gala Night makikitang naglalakad si Pokwang at maya-maya’y nakita rin sa camera ang pagpasok ng mala-Diyosang si Marian.

Pero kinalimutan ni Marian ang kanyang pagiging glamorosa at walang pakialam na tumili kaya napalingon at nagulat si Pokwang na agad ding tumakbo kay Marian.

Agad ding nagyakap din Pokwang at Marian na ikinatuwa ng marami.

Sey ng mga netizen na super relate naman sa ganitong tagpo sa pagitan ng mga friends:

“Hahahahah inulit ulit ko talaga.”

“Yes marsy sobrang natural lang, down to earth pa.”

“Hahaha kulit.”

“Marian is so natural and cute 🙂 Pokwang is so gorgeous as well 😊”

“Grabe nawala pa demure.”

“Hahaah ang kulit talaga ni marian.”

“True friends are crazy when they see each other.”