Tunay na ugali ni Marian Rivera binunyag ni Kiray Celis

Pinatunayan ni Kiray Celis kung ano ang tunay na ugali ng aktres na si Marian Rivera na bali-balitang maldita at mahirap diumanong katrabaho.

Pinatunayan ni Kiray Celis kung ano ang tunay na ugali ng aktres na si Marian Rivera na bali-balitang maldita at mahirap diumanong katrabaho.

Sa grand mediacon ng comeback series ng misis ni Dingdong Dantes na ‘My Guardian Alien’ naglabas ng saloobin ang co-star ni Marian na si Kiray.

Sey ni Kiray, thankful siya na nakasama niya si Marian kahit pa meron daw siyang naririnig na mga babala noon.

“Ako na ‘yung magsasabi. Siyempre kapag sinabi mong Marian Rivera, ang daming magsasabi sa ‘yo, ‘Naku, makakatrabaho mo si Marian. Good luck sa ‘yo.’

“May mga ganu’n diba? Tatakutin ka, aanuhin ka, sasabihin sa ‘yo lahat ng hindi magaganda,” sey pa ni Kiray.

“Pero sa totoong buhay po, lahat ng nagsabi sa ‘kin nu’n, gusto kong balikan isa isa kasi lahat po ‘yun mali. Lahat po ‘yun, kabaligtaran sa lahat ng sinasabi nila,” sabi pa ng komedyana.

Ipinagtanggol pa ni Kiray si Marian at sinabing mukha lang daw talaga siyang intimidating.

“Kung gaano nila sinasabing nakakatakot, sobrang nakakatawa. Kung gaano sinasabi nila maldita, sobrang kulit. Ayain mo du’n sa gilid, hindi maarte. Sasabihin lang maarte, kabaligtaran po ‘yun sa lahat ng nakikita niyo,” saad ni Kiray.

“Lahat kami nararamdaman ‘yun and very thankful kami na naka-work namin si Ate Yan,” aniya pa.