Nadine Lustre bagong Horror Queen: I’m very honored, thank you!
“CLAIM mo na yarn!” Ang sigaw ng fans ni Nadine Lustre na nanood sa special cinema screening ng bago niyang movie na “Nokturno” tungkol sa titulong Horror Queen.
Isa ang BANDERA sa mga naimbitahan sa naturang event na ginanap sa Cinema 18 ng Gateway Mall 2 na dinaluhan din ng ilang cast members sa pangunguna nga ni Nadine.
Sa mga hindi pa aware, ang “Nokturno” ay napapanood ngayon sa Amazon Prime Video na pinagbibidahan ni Nadine kasama sina Wilbert Ross, Ella Valdez, Bea Binene at JJ Quilantang at mula sa direksyon ni Mikhail Red.
Ang “Nokturno” na mula sa Viva Films at Evolve Studios ay reunion movie nina Nadine at Direk Mikhail, na siya ring direktor ng blockbuster at award-winning entry nila last year sa Metro Manila Film Festival na “Deleter.”
Pagkatapos ng screening ng pelikula ay nagkaroon ng short question and answer portion at dito nga natanong si Nadine tungkol sa bago niyang titulo na “Horror Queen.”
Sagot ni Nadine patungkol sa bago niyang title, “I’m happy, I’m very honored. Pero parang two films pa lang naman kasi. So parang I feel like it’s too early. I don’t know. Pero kung gusto n’yo akong tawagin na ‘Horror Queen,’ e, di okay. Thank you!”
Sey pa ng dalaga, adik daw talaga siya sa panonood ng horror films, tulad na lang ng Japanese film na “Imprint,” kaya naman nag-eenjoy din siyang gumawa ng mga katatakutang pelikula.
“So aside from, you know, manonood ako ng horror movies, natatakot ako sa horror movie, at least, this time around, kasama na ako du’n sa istorya na ’yon.
“Saka ang fun lang niya, kasi sobrang interesting ng process niya. I mean, aside from the usual process ng filmmaking, for ‘Nokturno,’ maraming prosthetics.
“Tapos gustung-gusto ko rin ‘yung kapag sinasabi ni Direk na wala kaming kabatuhan ng eksena. Alam mo ‘yung mga scenes kasi na ganu’n, ’yun ‘yung tinatakot namin ‘yung sarili namin just to, you know, bring the scene alive.
“So sobrang interesting talaga siya sa akin. And I really love the setting. It’s a normal setting. Kunwari sa ‘Deleter’ was an office, ito namang ‘Nokturno,’ bahay.
“So parang gustong-gusto ko ‘yung nata-tranform siya into something creepy or something na, alam mo ‘yon, something eerie. Yeah, mahilig lang ako sa horror films,” pahayag pa ni Nadine.
Inamin din niya na mas na-challenge siya sa shooting ng “Nokturno” kesa sa “Deleter”, “Honestly, I feel like sa ‘Deleter,’ sobrang contained nu’ng location namin, bihira lang kami lumabas ng location namin, usually scenes sa office.
“Dito sa ‘Nokturno,’ maraming elements na kasama, may ulan, ang daming eksena sa labas. So siyempre, shooting was a bit different. Tapos bumagyo pa,” esplika ni Nadine.