Kim, hindi naisip na magagawa ang pasabog na love scenes kina Paulo at JM
Napanood namin ang first two episodes ng bagong Kapamilya series na Linlang sa ginanap na screening/mediacon nitong Monday, Oct. 2, and we’d say na ito na yata ang most daring scenes ni Kim Chiu na napanood namin in her entire career.
Sa nasabing episodes pa lang ay pasabog na agad ang love scenes ni Kim sa dalawa niyang leading men na sina Paulo Avelino and JM de Guzman.
May matindi silang bed scenes ni Paulo na hindi namin akalaing magagawa ni Kim.
Kahit naman ang aktres ay aminadong hindi rin daw niya inakalang magagawa niya ang mga naturang eksena. “Parang ‘eto ‘yung role na hindi ko talaga maisip na gagawin ko siya in my whole acting career,” ani Kim.
“Pero ‘eto na tayo, nagawa na natin. So, sinusunod ko lang talaga ‘yung sinasabi ni direk dahil malaki ‘yung tiwala ko talaga sa mga direktor namin (FM Reyes and Jojo Saguin) dito sa Linlang,” dagdag niya.
Aminado naman si Kim na talagang kinabahan siyang gawin ang steamy scenes niya with Paulo pero gusto niya ring mag-grow as an actress.
“Sabi ko, ‘direk (FMR), gusto ko mag-grow, pero paano? Natatakot ako, kinakabahan ako.’ Tapos sabi niya, ‘magtiwala ka lang sa akin, akong bahala sa ‘yo,’” natatawang kwento ni Kim.
Nang gawin daw nila ang maiinit na eksena nila Paulo ay 2nd day taping pa lang nila at bale ba ay first time niya ring makatrabaho ang aktor.
“Aba, siyempre, sobrang tahimik siya (Paulo) na tao. First day pa lang, ‘paano ko kaya siya kukuwentuhan?’ Tapos, ‘di naman siya natatawa sa ‘kin. Paano ‘to?’
“Tapos, 2nd day, kinakabahan pa rin ako. Pero parang sige, A-game siya, so A-game rin ako,” kwento ni Kim.
Nagpapasalamat naman siya kay Paulo sa pag-alalay na ginawa sa kanya.
“Nagpapasalamat ako sa kanya dahil pinapadali niya naman ‘yung mga bagay na kinakabahan ako. Everytime na nag-i-step ako sa set namin, sobrang kabado talaga ‘ko, kasi hindi ko talaga ‘to forte at hindi ko talaga ‘to comfort zone kaya hindi ako confident kung maayos ko ba siyang nagagawa at nade-deliver.
“Pero dahil sa direktor namin, direk FMR, direk Jojo (Saguin), and dahil sa mga co-actors ko na sobrang galing, naaangat naman nila ‘ko at natutulungan nila ako and ‘yun ang pinagpapasalamat ko sa series na ‘to,” sey ni Kim.
Puring-puri naman ni direk FM si Kim dahil seryoso raw talaga ang aktres sa craft niya dahil may notes pa raw ito kung saan ay sinusulat pa nito ang lahat ng movement nito sa story.
“And I’m so amazed. Superstar as she is, ganu’n siya ka-dedicated du’n sa trabaho niya,” papuri ni direk FM.
Ang Linlang ay isang mystery-thriller drama series under Dreamscape Entertainment at mapapanood worldwide sa Prime Video on Oct. 5. Kasama rin sa serye ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano.
Maja at Kim, pinatunayang walang away
Viral ngayon sa social media ang larawan nina Maja Salvador at Kim Chiu na masayang nagyayakapan nang magkita sila sa ABS-CBN Ball 2023.
Ito ay pagpapatunay na walang samaan ng loob ang dalawa sa isyung hindi naimbitahan ni Maja si Kim sa kanyang kasal with Rambo Nuñez sa Bali.
Maging ang kani-kanilang fans ay natuwa na makitang all’s well sa pagitan ng magkaibigan.
“Maturity, moving on, both are blessed in their career, love life, life is too short to dwell on their past issue,” komento ng isang netizen.
“Andon na tayo sa nagkalamat ang friendship but people like them na masayahin, mababait at mukhang walang bitterness sa buhay possible na genuine ang pinapakita nila na at peace sila,” sey naman ng isang fan.
“If you’re both happy with your own lives, moving on from the hurt of the past is not hard to do,” komento naman ng isa pang social media user.
“Agree wala sila issue, normal na may magkakaibigan na nagkaka falling out, but look at them, mature and still talking despise of the past,” reaksyon ng isa pa
News
Janine, Hindi Na Naitago! Inamin Ang Saya Niyayang Kasama Si Echo!
Janine Gutierrez, Inamin Ang Saya Kasama Si Jericho Rosales: A Love Story Unfolds In an exciting twist that has captured the hearts of fans, Janine Gutierrez has openly shared her happiness with Jericho Rosales, sparking a wave of excitement among…
KD Estrada at Kim Chiu, Wagi sa Makabata Star 2024 Award! 🌟👏
KD Estrada at Kim Chiu, Pinapurihan Bilang Makabata Star 2024! 🌟 Patuloy na kinikilala ang mga Pilipinong artista na nagbibigay-inspirasyon sa kabataan, at ngayong taon, sina KD Estrada at Kim Chiu ang hinirang na Makabata Star 2024. Ang prestihiyosong parangal…
Liza Soberano, Mauulit Nga Ba ang Kapalaran ni Nadine Lustre? Intriga Lumalagablab! 🔥
Nagkaroon ng one-time collaboration ang international entertainment company at record label na Wild sa magaling na aktres na si Nadine Lustre. Ito ay para sa kanyang single na “Overgrown” noong nakaraang taon. Nangyari ito noong umalis sa poder ang aktres…
Liza, Ano’ng Say Mo? James at Enrique Nag-Sanib Puwersa—Fans Nagulat! 🔥
Ang bongga ng lineup ng mga celebrity na um-attend sa BYS Fashion Week, ha! Pero siyempre ang pinakamaingay sa lahat ay sina James Reid at Enrique Gil Si James ay ex-manager ni Liza Soberano at si Enrique naman ay hindi…
Ogie Diaz Responds After NTF-ELCAC Official Issues Warning Against Liza Soberano: ‘This Needs to Stop!’😱
Liza Soberano is still silent over the statement of Lieutenant General Antonio Parlade Jr., National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson and commander of the military’s Southern Luzon Command (SolCom), warning her against aligning with Gabriela’s…
Janine on Rayver: ‘We’re not exclusively dating!’
MARAMI pa raw gustong malaman si Janine Gutierrez sa nali-link sa kanyang si Rayver Cruz. Kaya sa mga nagse-speculate na may relasyon na sila, pinabulaanan iyon ng aktres. “Hindi pa po kami talaga. We’re just very close right now. We’re…
End of content
No more pages to load