Maris Racal, Anthony Jennings barag na barag sa pasabog ni Jam Villanueva (phuong)

Maris Racal, Anthony Jennings barag na barag sa pasabog ni Jam Villanueva

Jam Villanueva, Anthony Jennings at Maris Racal

 

BARAG na barag ang rumored couple na sina Maris Racal at Anthony Jennings sa mga pasabog ng ex-girlfriend ng aktor na si Jam Villanueva.

Nakuha ni Jam ang simpatya ng mga netizens matapos niyang ibuking ang  tunay na nangyayari sa pagitan ng magka-loveteam sa pamamagitan ng social media.

Nakakaloka ang sunud-sunod na pagpo-post ni Jam sa kanyang Instagram Story tungkol sa mga pinaggagawa umano nina Maris at Anthony sa harap at likod ng mga camera.

Ibinandera niya ang pagtataksil daw ng aktor sa kanya kasabay ng pagpo-post ng mga screenshot ng sinasabing palitan ng mensahe nina Maris at Anthony na talagang ikinawasak ng kanyang puso.

Sinisisi ngayon ng netizens ang aktres sa paghihiwalay nina Anthony at Jam at tinatawag siya ngayong “ahas”, “anaconda”, “mang-aagaw”, “malandi” at kung anu-ano pang masasakit na salita.

 

Basag na basag din si Anthony sa mga banat ng netizens dahil nagpaakit daw siya kay Maris hanggang sa mawasak na nga ang relasyon niya kay Jam.

Marami naman ang naka-relate sa mga hugot at pinagdaanan ni Jam sa piling ni Anthony at halos lahat ay nagsabing bilib sila sa kanyang pagpapakatotoo at katapangang ilahad ang katotohanan.

“I’ve been trying to hold myself together through everything that’s been happening. There’s only so much silence a person can bear when rumors twist the truth. I’m sharing this because I need to set the record straight—not to create more drama, but because I deserve to be heard, just like anyone else,” sabi ni Jam.

Nagpakamartir pa nga si Jam dahil kahit kitang-kita na niya ang red flags kay Anthony ay pilit pa rin niya itong inintindi at naniwala sa mga paliwanag ng aktor.

“When Maris came into the picture, I was genuinely happy for you both. I even chose to be supportive, despite the red flags I couldn’t ignore. I respected your craft. I believed in you both. But betrayal like this cuts deep,” aniya pa.

Ang mas nagpadurog pa ng puso ni Jam ay pilit nilang inaayos ang relasyon nila at ang reassurance na binibigay ni Anthony sa kanya ngunit patuloy pa rin pala ang ginagawa nila ni Maris kahit nangako na itong ititigil kung ano ang meron sa kanila.

Ibinahagi rin ni Jam ang litrato na kuha habang nasa eroplano ang dalawa pauwi ng Maynila galing Italy na tila naghahalikan.

“I’m not sure if you’re familiar with method acting, but this was something he kept emphasizing to me. He explained that he needed to make her feel loved and appreciated because she was going through something as well.

“He believed that showing her care was the only way to make their work go smoothly and for his partner to function well,” aniya pa.

Sabi pa raw ni Anthony sa kanya, “Mahirap. Mahal kita. Tapos kailangan kong gawin ‘to. Parang nakapako ako sa pader. Masakit siyempre. Miss ko buhay ko eh. Pero wala di gagana ‘to pag ‘di ko gagawin ‘to.”

Inamin din daw ng aktor sa kanya na totoong naghalikan sila ni Maris. May message pa raw ang aktres kay Anthony kung saan sinabi nito ang mga katagang “that was hot.”

“Context: ‘yung ‘that was hot’ nag-party sila niyan… I confronted Anthony about it and he told me na hinila daw siya sa CR ng girls and they started making out.

“I asked him why did he let her, he just said, ‘Ayoko lang maramdaman niya na parang ayaw ko siya kasi may trabaho kami bukas,’” ang sabi pa ni Jam. Sa kabila nito ay pinatawad pa rin niya ang ex-BF.

Sa huling bahagi ng IG Story ni Jam, nagbigay siya ng mensahe para sa lahat ng kababaihan, “To all the women reading this, don’t be like me. It took me three long months to finally accept that I was just ignoring the reality of the situation.”

“I allowed this to happen because I thought it was the best way to support them both. Most importantly, I trust my partner and her—as a woman,” aniya pa.

Related Posts

Our Privacy policy

https://hotnewsnowus.com - © 2024 News