Nagpakita ng suporta si Liza Soberano sa pagsasampa ng reklamo ng kapwa aktres na si Bea Alonzo sa mga beteranong showbiz columnists at hosts na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin.

Kahapon, Huwebes May 2, 2024, personal na nagtungo si Bea sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City, kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Jose Manolo Garcia, para sampahan ng kasong cyber libel sina Ogie, Cristy, at isa pang indibidwal na sinasabing naninira sa aktres.

Read: Bea Alonzo sues Cristy Fermin, Ogie Diaz for cyber libel

Dawit din ang kasamang commentators nina Cristy at Ogie sa magkahiwalay nilang online shows.

Sa X (dating Twitter), makikitang ni-like at ni-repost ni Liza ang balitang inilathala ng isang entertainment website tungkol sa pagsasampa ng reklamo ni Bea.

Liza Soberano reposts, likes report on Bea Alonzo’s cyber-libel complain against Ogie Diaz and Cristy Fermin

Walang inilagay na kahit anong caption si Liza.

Pero ayon sa netizens, indikasyon ito ng pagsuporta ni Liza sa ginawang hakbang ni Bea laban sa mga umano’y naninira sa kanya.