Pasabog agad na acting showdown nina Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez, at Jericho Rosales ang naging tampok sa pagsisimula ng bagong kapamilya teleseryeng “Lavender Fields.”

Isa sa mga pinaka-inaabangan sa “Lavender Fields” ay ang powerhouse cast na pinangungunahan nina Jodi, Janine, at Jericho kasama ang Philippine drama icons na sina Albert Martinez, Edu Manzano, Jolina Magdangal, at Maricel Soriano, at ang new gen actors na sina Jana Agoncillo, Krystal Mejes, Miguel Vergara, at Marc Santiago.

Susundan ng kwento nito si Jasmin (Jodi), isang simpleng dalaga na ma-iinlove ng bonggang-bonga sa isang gwapong accountant na si Arthur/Tyrone (Jericho) at mauuwi ito sa pagbubuntis ni Jasmin.

Subalit, mauudlot ang kanilang relasyon at matutuklasan na may asawa na pala si Arthur. Dahil naman sa naging relasyon nina Jasmin at Tyrone, makakaranas si Jasmin ng sunod-sunod na paghihirap sa pangunguna ni Iris (Janine), ang misis ni Tyrone.

Mawawala ang lahat kay Jasmin, pati na rin ang pinakamamahal niyang anak. Habang ngitngit sa galit at sa paghahanap ng hustisya, unti-unting makakabangon si Jasmin at magbabagong-anyo bilang si Lavender Fields upang singilin ang mga sumira sa kanyang buhay.

Unang napanood sa Netflix at iWantTFC ang Lavender Fields bago ito ipinalabas sa TV kahapon.

Samanatla, makakasama rin sa powerhouse cast sina Victor Neri, Bernard Palanca, Soliman Cruz, Biboy Ramirez, Thou Reyes, Race Matias, Justine Luzares, Pamu Pamorada, Alex Diaz, Eric Nicoals, Benj Manalo, Cheena Crab, Kate Alejandrino, Analain Salvador, Jonic Magno, Yesh Burce, at may special participation ni Lotlot De Leon. Mula naman ito sa direksyon nina Emmanuel Q. Palo at Jojo Saguin.