Kim Chiu, nahirapang ‘ikama’ ni Paulo Avelino

Ibinahagi ni “It’s Showtime” host Kim Chiu ang kuwento sa likod ng bed scene nila ng co-star niyang si Paulo Avelino sa Filipino adaptation ng “What’s Wrong With Secretary Kim?”

Sa panayam ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe nitong Biyernes, Mayo 31, inamin ni Kim na ang naturang eksena ang pinaka-intense niyang ginawa sa buong career niya.

 

“Mahirap syempre. Sobrang hirap. Parang ‘yon na yata ang pinaka-intense kong ginawa for my entire career. ‘Linlang’ pala. Pero second ito [‘What’s Wrong With Secretary Kim’],” saad ni Kim.

Matatandaang kamakailan ay tila naloka at nawindang ang mga tagasubaybay ng naturang serye nina Kim at Paulo dahil sa maiinit nilang eksena.

Pero bago pa man ito ay nauna na silang patikimin nina Paulo at Kim sa kissing scene ng dalawa sa loob ng cabinet.