Nalagay sa hot seat sina Janine Gutierrez, 32, at Paulo Avelino, 33, na napababalitang totohanan na ang pagsinta sa isa’t isa.
Gumaganap silang mag-asawa sa Kapamilya prime-time series na Marry Me, Marry You, na nagsimulang umere noong September 2021 at magtatapos sa February 2022.
Ngayong Martes, January 4, parehong panay ang ngiti nina Janine at Paulo nang humarap sa virtual mediacon ng Marry Me, Marry You.
Nang tanungin tungkol sa estado ng kanilang relasyon ngayon, umiwas si Janine at ibinaling ang topic sa co-stars na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano na naging magkasintahan habang nagtatrabaho sa serye.
“Hahaha! Gusto ko lang sumagot na lahat kami naiinggit kay Miss Pie at kay Tito Edu pag nakikita namin sila magkasama.
“Walang tatalo sa ka-sweet-an nila kasi. Tsaka talagang tinakasan nila today,” saad ni Janine.
Absent sa presscon sina Cherry Pie at Edu.
Nang ibalik ang tanong kina Janine at Paulo, na marami ang umaasang magkatuluyan, tanging ngiti lamang ang isinagot ng dalaga.
Kaya si Paulo ang inusisa tungkol sa real score sa kanila.
“Hay salamat!” natatawang hirit ni Janine nang matakasan ang tanong tungkol sa kanila ni Paulo.
Sabi naman ni Paulo, “Ako po, si Janine lang hinihintay lagi.
“So, tingnan natin kung di kami masyadong busy for this year. May sari-sarili kaming gagawin for this year.”
Magkahiwalay man sila sa susunod nilang acting project, magkasama pa rin sila sa Kapamilya concert tour sa Los Angeles na tatagal ng “more than two weeks” ngayong first quarter ng 2022.
Hirit ng entertainment reporter na si Jun Lalin, baka may tsansang doon sila magka-developan.
“Pero di naman kami sa isang kuwarto matutulog,” saad ni Paulo.
“Huy! Dapat lang! Hahaha!” bulalas naman ni Janine sa aktor.
Dagdag ni Jun, may chance na mag-bonding at magkulitan ang dalawa sa mahaba-habang biyahe ng tour bus mula Los Angeles hanggang Las Vegas. Iyon ang mga inaasahang lugar kunsaan may Kapamilya concert tour.
Pagsang-ayon ni Paulo, “Or kuwentuhan or puwede magbaraha.”
Si Janine ay panay pa rin ang ngiti.
Nang tanungin na baka may pagpaparamdam na si Paulo pero deadma pa si Janine, biglang sumang-ayon ang aktor.
“Ganun po,” ani Paulo.
Tila kontra ni Janine, “Uy!”
Pero kahit anong tanong sa dalawa ay tikom ang bibig nila kung may pagtingin sila sa isa’t isa.
LESSONS ON LOVE
Ang tanging sinagot ng dalawa ay ang katanungan kung anong lessons on love mula sa serye ang tingin nila’y maaari nilang i-apply sa tunay na buhay.
“Parang wala pa naman ako ma-apply in real life. Parang wala pa naman nagmamahal sa akin,” biro ni Paulo.
Sabay sabi ng aktor, natutunan niya ang pagpapahalaga sa mga mahal sa buhay ng babae na kanyang mapupusuan.
“Siguro one of the lessons din na puwede ko ma-apply in real life, sometimes you think it’s just you and me against the world.
“Na parang mahal kita, mahal mo ako, that’s the only thing that matters.
“But, ang totoo niyan, kailangan mo rin mahalin talaga yung mga tao na nasa paligid ng minamahal mo, whether they’re kind to you or not, whether they don’t like you [or do].
“Walang talo pag nagbibigay ka ng pag-ibig at pagmamahal at kasiyahan sa mga taong minamahal mo at minamamahal ng mahal mo.”
Sabi naman ni Janine natutunan niya ang pagmamahal nang buong puso.
Lahad ng aktres: “Ako, tungkol sa pagmamahal nang buo. Favorite ko nga yung isang song sa soundtrack na ‘Buo.’
“Kasi, parang it just talks about how you don’t have to be with someone who’s perfect, but someone who’s real and someone who loves you.
“Yung mamahalin mo yung buong pagkatao nila. I think ma-apply mo yun sa tunay na buhay.”
DATING HISTORY
Parehong single sina Janine at Paulo sa tunay na buhay.
Nag-break si Janine at longtime boyfriend na si Rayver Cruz noong October 2022. Ang huling napabalitang karelasyon ni Paulo ay ang Australian model na si Jodie Tarasek, pero hiwalay na rin sila.
Noong November 10, 2021, ibinulgar ni Paulo na dalawang beses silang nag-date ni Janine noong panahong walang nobyo ang aktres.
Sinabi rin ng aktor na bukas siya sa posibilidad na maging sila ni Janine.
“Kasi, parang… kumbaga… alam ko, itatanggi na naman ako ni Janine, lumabas na kami dati, hindi lang…
“Kung mangyayari ngayon, kung ngayon ang pagkakataon na ito na single siya and single din ako, e, di… Ok,” saad ni Paulo.
News
Janine Gutierrez, now eating healthy, recalls, “Dati pinapapak ko pa yung ketchup.” a.
For someone who has always been lean and apparently in good health, Janine Gutierrez surprises with her revelation that she’s been watching her food intake. It turns out that Janine has this fondness for junk food, recalling that growing up she would even…
Janine Gutierrez shares why she calls Paulo Avelino a ‘bully’ on the set a.
After first being paired up together on a movie project before the pandemic, Janine Gutierrez said doing a teleserye together with Paulo Avelino was just previously wishful thinking on her part. Now, not only does their show have a second…
Nadine Lustre’s boyfriend Christophe Bariou opens up about cancer journey a.
Nadine Lustre’s boyfriend Christophe Bariou bravely shared the intense and challenging journey he faced in his battle against cancer. On Tuesday, June 6, 2023, Christophe mustered the courage to disclose on Instagram his profound and personal account of his battle with cancer….
Video: Nahihiyang nagkwento si Kim Chiu tungkol sa viral kissing scene nila ni Paulo Avelino “I find it so…..” a.
Kim Chiu on viral kissing scene with Paulo Avelino: ‘Baka pag inulit-ulit ‘yun, kami na’ Tila may kwelang hirit ang TV personality na si Kim Chiu sa kanilang viral cabinet kissing scene ng aktor na si Paulo Avelino sa…
Nadine Luster’s controversial photo of revealing climbing outfit sparked great debate among fans, but this is the truth a.
Actress Nadine Lustre took to her Instagram stories to clarify the controversial pictures that emerged online during her trekking session with friends. Photos that emerged online even sparked major debate following reports of the actress wearing a bikini while…
EXCLUSIVE: Jericho Rosales is ready to get back on the track and start relationships a.
All the world’s a stage, and Jericho Rosales is a player who finds the classic beauty of life and love’s beginnings through his role in Lavender Fields The presence of Jericho Rosales brings a certain breeze of relaxation as he…
End of content
No more pages to load