Barbie Forteza, ilang beses daw na-reject sa mga auditions para sa mga teleseryes ni Marian Rivera noon

Bago naibigay kay Barbie Forteza ang titulong Kapuso Primetime Princess, ilang beses siyang na-reject noon sa mga teleserye ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Bago marating ni Barbie Forteza ang tinatamasa niyang tagumpay sa showbiz at ang titulong Kapuso Primetime Princess, ilang beses din daw siyang nakaranas ng rejections.

Makailang ulit daw siyang nag-audition noon sa mga teleserye ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera pero makailang ulit din siyang hindi natanggap.

 

Iyan ang naikuwento niya kahapon, February 12, sa programangFast Talk With Boy Abundanang bumisita sila roon ng ka-love team niya ngayong si David Licauco.

Napag-usapan kasi nila sa show ang mga naranasan nilang rejections noong nagsisimula pa lang silang gumawa ng pangalan sa industriya.

Ayon kay Barbie, never siyang natanggap sa tatlong malalaking primetime series noon ni Marian.

‘Yong tatlong teleserye po ni Ms. Marian Rivera. Nag-audition po ako as young [Marian]. ‘Yong MariMar, Dyesebel, saka Darna,” pagbabalik-tanaw n’ya.

 

Inilahad din ng aktres ang mga dahilan kung bakit  hindi siya nakuha noon para sa mga tina-target na roles.

“‘Yong una, ‘yong MariMar, hindi ako natanggap kasi takot ako sa aso nu’n. E, ‘di po ba, may Fulgoso? Haha!” natatawang sabi niya.

Si Fulgoso ang alagang aso ni MariMar na kasa-kasama nito mula pagkabata.

 

Nabigo rin daw siya nang mag-audition sa Dyesebel dahil hindi umano siya marunong lumangoy. Sirena kasi si Dyesebel kung kaya’t kailangang marunong sa swimming ang artistang gaganap dito.

 

“Number two, DyesebelHindi ako marunong lumangoy. Hahaha! Ganda lang s’ya. Ganda lang ang ambag ni girl, e, ‘yon [paglangoyang point ng show. Medyo…dapat marunong kang lumangoy,” natatawang pagpapakatotoo ni Barbie.

 

Panghuli, takot naman daw siya sa heights kaya naligwak siya para makuha ang role ng batang Darna na isang superhero.

 

“And then last, nu’ng Darna naman po takot ako sa heights. Hindi naman [akop’wedeng lumipad. Hindi ko rin sure kung bakit ako nag-audition. Hahaha!” pagtatapos ni Barbie.

 

Komento naman ng TV host na si Boy Abunda, ang mga karanasang ito ng aktres ang dahilan kung bakit s’ya grateful sa mga blessings at patuloy na pinagbubunti ang kanyang trabaho bilang artista.

Magbabalik-tambalan sina Barbie Forteza at David Licauco sa upcoming period drama series na Pulang Araw.