Nora Aunor baliw na baliw kay Tirso Cruz III: ‘Iinom ako tapos pupunta ako sa bahay niya’
Inamin ni Nora Aunor na nainlab siya nang husto sa ka-love team niya noong si Pip o Tirso Cruz III.
Hindi rin itinanggi ni Nora na hanggang ngayon ay love pa rin niya si Pip.
“Alam n’yo naman kung sino ‘yun [Tirso] at hindi ko naman tinatago kung sino ‘yun (si Tirso),” ani Ate Guy nang tanungin ni Boy Abunda sa “Fast Talk” nitong Feb. 20 kung sino ang sinasabi niyang mahal na mahal niya ngunit hindi sinuklian ang pagmamahal niya.
“Masarap umibig dahil kahit hindi ka niya pinapansin, alam mo na hindi ka niya talaga totoong love, pero sa’yo, ‘yung puso mo para sa kanya, masaya na ako nun,” sabi pa ni Ate Guy.
Tinanong din sa kanya kung anong baliw-baliwan na ginawa niya dahil sa pag-ibig.
“Sobrang baliw! ‘Pag nag-aaway kami [ni Tirso], iinom ako nun tapos pupunta ako dun sa bahay niya. Hindi ako papapasukin… hanggang magdamag, nandun ako sa labas.” (IS)