SHOCKING: Is There Something More? Janine Gutierrez Hints at Possible Romance with Paulo Avelino!

Janine Gutierrez hints at a relationship with Paulo Avelino

Janine Gutierrez on Paulo Avelino

Janine Gutierrez, umamin na hindi na kailangang tanungin pa kung ano ang label ng relasyon nila ni Paulo Avelino. “Gets niyo na yun,” natatawang pahayag ni Janine sa PEP.ph.

Malaman ang pahayag ni Janine Gutierrez, 33, nang tanungin tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Paulo Avelino, 34.

“Alam niyo na yun. Gets niyo na yun,” natatawang sabi ni Janine sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Waring kumpirmasyon ito sa hinala ng netizens na magkasintahan na sina Janine at Paulo.

Aminado naman si Janine na si Paulo ang isa sa inspirasyon niya kahit na pagod siya sa trabaho, at lagi niya nilu-look forward na makita ito.

“Happy, happy lang. I got to talk to him about work, things like that. Yun, malaking bagay,” sabi ni Janine.

Kilalang tahimik at low-profile si Paulo pagdating sa personal na buhay, pero siniguro ni Janine na magkasundo sila ng aktor.

“Once you ask his friends naman, everybody will say the same thing na he’s really a great guy.”

Hindi kaila sa masugid na tagasubaybay ni Janine na nagkakaigihan sila ni Paulo bago pa natapos ang Marry Me, Marry You, ang pinagtambalan nilang Kapamilya serye mula September 2021 to January 2022.

Naging bukas din ang mga magulang ni Janine, sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher, na kung anuman ang real score sa pagitan ng anak at ni Paulo ay suportado nila.

Minsan na rin nasabi ng mga magulang ni Janine na nakakasama si Paulo sa family get-togethers—isa sa senyales nang lumalalim na relasyon ng dalawa.

JANINE HAPPY TO BE A KAPAMILYA

Nakapanayam ng PEP.ph si Janine sa presscon ng Dirty Linen sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound noong January 17, 2023.

Sa January 23 eere ang Dirty Linen sa A2Z, TV5, at Kapamilya Channel.

Proud si Janine na sa kanya pinagkatiwala ang serye na ito na iprinodyus ng Dreamscape Entertainment para sa ABS-CBN.

“Sobrang excited, I’m so excited, I’m so happy talaga to be part of the show. Napakaganda talaga ng kuwento at ang tapang nang pagkagawa.

“I can’t stop repeating kung gaano talaga ka-grateful na na mapabilang dito. Kahit ako na-i-starstruck sa mga eksena.”

Unang nagbida sa Marry Me, Marry You at ngayon ay sa Dirty Linen, labis ang pasasalamat ni Janine na dekalidad ang mga seryeng pinagkakatiwala sa kanya ng Kapamilya Network.

“Sobrang laki ng pasasalamat ko, ramdam na ramdam ko yung alaga ng ABS-CBN at ng Dreamscape, and I’m so grateful to the point na medyo surreal talaga siya for me.

“Dati pangarap lang ito, yung ganito katapang na kuwento. This kind of cast, di mo akalain na makakabuo ng ganito so thank you talaga.

“Di ko mawari na mapapabilang na mapapabilang ako sa ganito.”

WORKING WITH ZANJOE MARUDO

Kapareha ni Janine sa Dirty Linen si Zanjoe Marudo, na isa sa pangarap niyang makatrabaho sa ABS-CBN noong paglipat pa lang niya rito mula sa GMA-7 noong January 2021.

“Nung storycon na lang, nung mga interview na lang. Natatawa lang siya sa akin.

“Magaling siya, he can transform depende sa role. I see how he changes based on the character. Magaling talaga siya bumuo ng character.”

IS JANINE OPEN TO JOINING MISS UNIVERSE?

May mga nagsasabing puwedeng subukan ni Janine na sumali sa beauty pageants tulad ng Miss Universe Philippines.

Nanood si Janine ng livestreaming ng Miss Universe 2022 coronation night kasama ang Dirty Linen director na si Andoy Ranay.

Pero hanggang sa ganung panonood lang ng pageant ang interes ni Janine.

“I’m flattered, I’m so, so flattered. Salamat sa mga naniniwala na kaya ko dun. Dream? No, mas gusto kong mag-taping. Mas gusto kong umarte,” sabi ni Janine.

ON FAMILY ISSUE

Naging maigsi naman ang sagot ni Janine nang tanungin ng PEP.ph ang reaksiyon niya na nagkabati na ang tiyahin na si Matet de Leon at ang lola niya na si Nora Aunor.

Matatandaang nagdamdam nang husto si Matet nang kakumpitensiyahin daw siya ng adoptive mother na si Nora sa pagbebenta ng gourmet tuyo products.

“Family is forever,” simpleng pahayag ni Janine.

Related Posts

Our Privacy policy

https://hotnewsnowus.com - © 2024 News